Water crisis sinadya para sa taas presyo — Duterte

SINADYA umano ng mga water company ang krisis sa tubig noong Marso upang makahirit ng taas pres­yo, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

The post Water crisis sinadya para sa taas presyo — Duterte appeared first on Abante News Online.

water crisis sinadya para sa taas presyo duterte - Water crisis sinadya para sa taas presyo — Duterte
water 8 - Water crisis sinadya para sa taas presyo — Duterte

SINADYA umano ng mga water company ang krisis sa tubig noong Marso upang makahirit ng taas pres­yo, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Cagayan Sports Complex sa Tuguegarao City noong Abril 16.

Ayon sa Pangulo, kung hindi niya sinabihan ang mga opisyal ng Maynilad Water Service Inc., Manila Water at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay hindi maglalabas ng tubig ang dalawang kompanya.

“Kaya ‘yang tubig na ‘yang p****i**** ‘yan, kung hindi ko sila sinabihan, ‘Maglipad ako bukas sa Maynila. Pagdating ko, kung wala pang tubig ‘yang gripo na ‘yan, ‘yung ulo ninyo ang gawain kong gripo para….’ Pagdating ko alas-dos may tubig na. Tingnan mo ka******* ng mga p****i**. Pinopondo ‘yung tubig kasi gusto price increase,” diin ng Pangulo.

Matatandaan na pinulong ni Pangulong Duterte ang mga opis­yal ng Maynilad at Manila Water noong Marso 19 sa Malacañang. Sinabihan niya ang dalawang kompanya na magsumite ng report sa Abril 7 at magdedesisyon siya kung puputulin ang concession agreement ng dalawang kompanya sa MWSS.

Nagbanta rin itong sisibakin ang mga opis­yal ng MWSS dahil sa hindi napigilan ang water crisis.

The post Water crisis sinadya para sa taas presyo — Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *