Wasak na bundok nagpalubog sa Luzon

Pagkakalbo ng mga kabundukan dahil sa quarrying, kaingin at iba pang aktibidad na nakasisira sa kalikasan ang pinaniniwalaang sanhi ng malawakang pagbaha habang nananalasa ang bagyong `Ulysses’ sa Luzon.

The post Wasak na bundok nagpalubog sa Luzon first appeared on Abante.

wasak na bundok nagpalubog sa luzon - Wasak na bundok nagpalubog sa Luzon
puno 1 - Wasak na bundok nagpalubog sa Luzon

Pagkakalbo ng mga kabundukan dahil sa quarrying, kaingin at iba pang aktibidad na nakasisira sa kalikasan ang pinaniniwalaang sanhi ng malawakang pagbaha habang nananalasa ang bagyong `Ulysses’ sa Luzon.

Inihayag ito ng dalawang opisyal ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nang tanungin sa hiwalay na panayam sa radyo kung ano ba ang dahilan ng naranasang pagbaha sa Metro Manila at iba pang probinsya.

Ayon kay Pagasa forecaster Jun Galang, maaaring may mga pagbabago na sa istraktura o lugar katulad sa Marikina na sinasabing hindi naman dating binabaha.

“Pero tingnan natin `yong structure o `yong pagbabago sa area ng Marikina, `yong river baka medyo silted na rin o baka marami nang subdivision na naitayo dun within the span of 10 years,” sabi ni Galang.

Maaari rin aniyang wala nang pumipigil sa pag-agos ng mga naiipong tubig sa kabundukan.

Ipinaliwanag naman ni Dr. Esperanza Cayanan, deputy administrator ng Pagasa Research and Development Division, na mas marami pa ring ulan ang binuhos ng bagyong `Ondoy’ noong Setyembre 2009 kumpara kay `Ulysses’.

Base aniya ito sa obserbasyon sa Science Garden sa Quezon City kung saan ay 153mm lang aniya ng ulan ang binuhos ni `Ulysses’ sa loob ng 24 oras kumpara kay `Ondoy’ na mahigit 400mm.

Paniwala ni Cayanan na galing ang pagbaha sa tubig na umagos mula sa kabundukan pababa sa mga kabayanan.

“Nangangahulugan na mas malakas po `yong ulan na ibinuhos doon po sa mga paligid na mountainous area na nagbaba po sa mga ilog. `Yon po ang ating kumpirmasyon dito sa nangyari sa Ulysses,” ani Cayanan.

Subalit hindi rin umano masasabing galing lahat sa binuhos na ulan ni `Ulysses’ ang malawakang pagbaha. Maaaring galing din umano sa ilalim ng lupa ang iba o iyong mga naipong tubig mula pa sa mga nagdaang bagyo at bumigay na sa pagkakaimbak nito.

“Maaaring dahil nga po doon sa mga nagdaang bago. Maaaring mayroong temporary damming effect bukod pa po sa saturated na rin an gating lupa `pag may naipon `pag bumigay `yon tuloy-tuloy na pagbaba,” ani Cayanan.

Hindi umano naoobserbahan ng mga tao na may tubig din galing sa bundok kung saan mas malakas ang cloud formation dahil sa mataas na lugar ito kaya mas marami aniyang pag-ulan ang nagaganap sa kabundukan at naiipon ito.

“Kailangan din natin tingnan kumusta na ba itong kabundukan natin? Marami pa bang puno na puwedeng mag-hold ng tubig? Baka po marami nang quarrying diyan, baka po marami na nag-kaingin dyan o nakakalbo na rin po ang ating mga kabundukan,” sabi ni Cayanan.

The post Wasak na bundok nagpalubog sa Luzon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *