Wanted sa 63 kaso ng rape timbog

arrested-tiklo

NAARESTO ng mga awtoridad ang most wanted sa buong rehiyon ng Mimaropa na si ­Arcel ­Molino, 44-anyos, at taga-Palawan, dahil sa 63 kaso ng rape, matapos ang siyam na taon nitong pagtatago sa ­batas.

The post Wanted sa 63 kaso ng rape timbog appeared first on Abante News Online.

wanted sa 63 kaso ng rape timbog - Wanted sa 63 kaso ng rape timbog
arrested tiklo - Wanted sa 63 kaso ng rape timbog

NAARESTO ng mga awtoridad ang most wanted sa buong rehiyon ng Mimaropa na si ­Arcel ­Molino, 44-anyos, at taga-Palawan, dahil sa 63 kaso ng rape, matapos ang siyam na taon nitong pagtatago sa ­batas.

Nabatid na Marso 21 nang madakip ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng Police Regional Office 6-Regional ­Intelligence Unit, Criminal Investigation and Detection Group at Platoon Provincial Mobile Force Company.

Ayon kay Supt. Socrates Faltado, hepe ng Regional Public Information Office, 2010 pa nang lumabas ang warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 47 Puerto Prin­cesa City laban kay Molino makaraang ireklamo ng panggagahasa sa 16-anyos na dalagita.

Kasunod nito ay tumakas na ang suspek mula sa Cuyo, Palawan at tumawid sa Ilo­ilo sakay ng bangka at doon nagtago.
Si Molino ang tinuturong Number One Most Wanted Person sa buong rehiyon ayon kay Faltado dahil sa bilang ng kanyang mga kaso.

The post Wanted sa 63 kaso ng rape timbog appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *