Wanted na German pedophile, dinampot sa Ozamis

Isang convicted German pedophile na wan­ted sa kanyang bansa dahil sa iba’t ibang krimi­nal na kasong sekswal ang hinuli ng Bureau of Immigration (BI) sa Mindanao.

wanted na german pedophile dinampot sa ozamis - Wanted na German pedophile, dinampot sa Ozamis
BI 1 - Wanted na German pedophile, dinampot sa Ozamis

Isang convicted German pedophile na wan­ted sa kanyang bansa dahil sa iba’t ibang krimi­nal na kasong sekswal ang hinuli ng Bureau of Immigration (BI) sa Mindanao.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, ang 71-anyos na si Alfons Hermann Keittl ay inaresto noong Huwebes sa Ozamis City, Misamis Occidental ng mga ope­ratiba ng fugitive search unit (FSU) ng bureau.
Ayon kay Morente, ang deportasyon kay Keittl ay hiningi ng Embahada ng Germany sa Maynila at ipinaalam ang inilabas na warrant sa lokal na korte sa ba­yan ng Landshut, Germany laban sa pugante noong Hulyo.
Sabi ng embahada, si Keittl ay nahatulan sa paggawa ng pang-aabuso laban sa tatlong magkakaibigang batang biktima at mahigit 200 iba pang mga kaso, nadiskub­re rin ang mga hawak nitong daan-daang mga la­rawan at video ng pornograpiya.
Nakuha ng mga awtoridad sa dayuhan ang kabuuang 190 malalaswang larawan ng mga bata, 112 bidyo ng pornograpiya ng bata at 10 bidyo ng mga binatilyo.
Nilabag din umano niya ang kondisyon ng kanyang probation sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa isang court order na huwag lumapit sa loob ng 100 metro sa mga paalaran, swimming pool at iba pang mga pasilidad na madalas puntahan ng mga bata.
Nabatid na duma­ting si Keittl sa bansa bilang isang turista noong Mayo 8 ng taong ito at hindi pa ito umalis. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *