Wanted na Chinese dinampot ng BI

Wanted na Chinese dinampot ng BI

Isang takas na Chinese ang inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkakasangkot sa investment scam sa China, noong Miyerkoles sa Makati City.

wanted na chinese dinampot ng bi - Wanted na Chinese dinampot ng BI
immigration - Wanted na Chinese dinampot ng BI

Isang takas na Chinese ang inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkakasangkot sa investment scam sa China, noong Miyerkoles sa Makati City.

Si Chen Long, na kilala rin sa kanyang alyas na Chen Chenglong, 32-anyos ay naaresto sa isang gusali sa Makati City ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI.

Ayon kay Bobby Raquepo, pinuno ng FSU, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa krimen ni Chen mula sa mga awtoridad ng China. “Upon receipt of the information, we immediately conducted a case build up and determined his location to effect his arrest,” ani Raquepo.

Nakasaad sa mga dokumento na si Chen, kasama ang isa pang Tsino ay nagtatag ng isang hindi rehistradong kompanya sa Shandong Province at iniulat na niloko nila ang kanilang mga biktima ng mahigit 60 milyong RMB, o mahigit P400 milyon.

Nabatid na ang passport ni Chen ay kinansela na ng pamahalaan ng China kung kaya’t isa na siyang hindi dokumentadong dayuhan.

“The FSU has been doing a good job in ensuring that we rid of fugitives hiding in the Philippines. This, of course, is not possible without the cooperation of our foreign counterparts who send us information about wanted criminals in their countries that may be hiding in ours,” pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente.

Si Chen ay inilipat sa BI Detention Center sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang pagpapatupad ng kanyang deportasyon. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *