Walang plano sa jobless

Dismayado si Senador Joel Villanueva dahil hindi nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Statement of the Nation Address (SONA) ang konkretong plano para sa mga manggagawa na nawala ng trabaho sa gitna ng pandemya.

walang plano sa jobless - Walang plano sa jobless
Joel Villanueva - Walang plano sa jobless

Dismayado si Senador Joel Villanueva dahil hindi nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Statement of the Nation Address (SONA) ang konkretong plano para sa mga manggagawa na nawala ng trabaho sa gitna ng pandemya.

Sabi ni Villanueva, may tinatayang 7.3 milyong manggagawa ang walang trabaho ngayon at hindi pa kasama dito ang 400,000 umuwing overseas Filipino workers (OFWs).

“Higit sa lahat, trabaho at kabuhayan po talaga ang kailangan ngayon ng ating mga kababayan. Concrete recovery plan yung hindi naging malinaw,” sabi ni Villanueva.

Kasabay nito, hinikayat din ni Villanueva ang mga employer na mapakinabangan ang Work-From-Home law upang makatulong mabawasan ang risk ng ating mga manggagawa na mahawa sa COVID-19.

“Tinatawagan rin po natin ang DOLE na ipagpatuloy ang kanilang mga workers’ safety audits sa pamamagitan ng labor inspections upang siguruhin na ipinatutupad ang minimum health standards sa mga lugar-paggawa,” ayon pa sa senador. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *