Walang Pinoy na nasaktan sa Bangkok bombing

WALANG Pilipinong nasawi at nasaktan sa magkakasunod na pambobomba sa Bangkok nitong Biyernes, ayon sa Department of Foreign Affairs.

walang pinoy na nasaktan sa bangkok bombing - Walang Pinoy na nasaktan sa Bangkok bombing
politiko Bangkok bombing - Walang Pinoy na nasaktan sa Bangkok bombing

WALANG Pilipinong nasawi at nasaktan sa magkakasunod na pambobomba sa Bangkok nitong Biyernes, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sa inilabas na Advisory ng Philippine Embassy sa Bangkok, anim na pagsabog ang naitala sa iba’t ibang bahagi ng Bangkok kung saan host ang Thailand sa ginanap na ASEAN Foreign Ministerial Meeting (AMM).

Batay sa report wala naman naapektuhan sa mga delegasyon na dumalo sa ginanap na high level meeting sa nasabing bansa.

Pinayuhan naman ng embahada ang mga Pilipinong nanatili at bumibiyahe sa bansang Thailand na maging kalmado at gawin ang dagdag na pag-iingat at sumunod sa ipinatutupad na heightened security measure ng mga awtoridad dito.

Patuloy na naka-monitor ang Phi­lippine Embassy para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa nangyaring insidente.

Hinikayat naman ng embahada ang mga Pinoy sa Thailand na nangangailangan ng tulong ay maaring tumawag sa (+662) 259-0139 to 40; 258-5401 (landline), +668 992-65954 (hotline) o bangkok.pe@dfa.gov.ph/bangkokpe@gmail.com.

Umabot sa apat katao ang nasugatan sa serye ng pambobomba sa Bangkok. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *