Walang pambayad: 9 Badjao pinakawalan ng Abu Sayyaf

PINALAYA na ng mga hinihinalang mi­yembro ng Abu Sayyaf group ang siyam na bihag na mula sa tribo ng Badjao sa Talipao, Sulu kamakalawa nang gabi.

The post Walang pambayad: 9 Badjao pinakawalan ng Abu Sayyaf appeared first on Abante News Online.

walang pambayad 9 badjao pinakawalan ng abu sayyaf - Walang pambayad: 9 Badjao pinakawalan ng Abu Sayyaf
abusayaf 1 - Walang pambayad: 9 Badjao pinakawalan ng Abu Sayyaf

PINALAYA na ng mga hinihinalang mi­yembro ng Abu Sayyaf group ang siyam na bihag na mula sa tribo ng Badjao sa Talipao, Sulu kamakalawa nang gabi.

Sa nakalap na ulat, Biyernes ng gabi nang makita ng mga nagpapatrolyang pulis ang siyam na indibidwal na sinasabing binihag, sa kahabaan ng Brgy. Kahawa, ayon kay Talipao police chief P/Maj. Napoleon Lango.

Lumapit umano ang mga ito sa pulisya at nagpakilalang mga Badjao na dinukot ng ASG sa Sabah, Malaysia noong Hunyo 18.

Sa salaysay ng mga Badjao na na­ngingisda sila sa karagatang sakop ng Lahad Datu, Malaysia nang dukutin ng armadong kalalakihan na lulan ng dalawang de motor na bangka.

Ayon pa sa opisyal, pinakawalan ng mga bandido ang mga mangingisda dahil wala umano itong pambayad sa ransom.

Dinala na sa Sulu Provincial Police Office ang siyam na hindi na pinangalanan, para sa check-up at pagsisiyat pa sa nangyari sa kanila.

Nasa mabuting kondisyon naman ang kalusugan ng mga dinukot at hindi rin sinaktan ng mga ASG.

The post Walang pambayad: 9 Badjao pinakawalan ng Abu Sayyaf appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *