Walang nadamay na Pinoy sa 7.2 quake sa PNG

dfa

KINUMPIRMA kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na nadamay sa 7.2 magnitude na lindol sa Papua New Guinea (PNG) nitong Martes nang umaga (Mayo 7).

The post Walang nadamay na Pinoy sa 7.2 quake sa PNG appeared first on Abante News Online.

walang nadamay na pinoy sa 7 2 quake sa png - Walang nadamay na Pinoy sa 7.2 quake sa PNG
DFA - Walang nadamay na Pinoy sa 7.2 quake sa PNG

By Armida Rico

KINUMPIRMA kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na nadamay sa 7.2 magnitude na lindol sa Papua New Guinea (PNG) nitong Martes nang umaga (Mayo 7).

Sa report ni Philippine Embassy Port Moresby Chargé d’Affaires Mary Grace Villamayor, tinatayang nasa 36,000 mga Pinoy ang nakabase sa PNG.
Base sa report alas-siyete nang umaga ng Martes ng lumindol ng 7.2 magnitude sa mga lungsod ng Lae at Kokopo.

Sinabi ni Villamayor na sa naturang insidente ay kaagad silang nakipag-unayan sa Pinoy Community sa PNG upang malaman kung may nadamay o nasugatan sa naturang lindol.

Wala naman aniyang inisyung tsunami warning ang USGS-linked Pacific Tsunami Warning Center.

Malakas aniya ang lindol dahil naramdaman ito sa Port Moresby, na may 250 kilometro ang layo.

Pahayag pa ni Villamayor, patuloy na nagsasagawa ng monitoring ang embahada para sa pagbibigay ng ayuda anumang sa mga nabiktimang Pinoy.

The post Walang nadamay na Pinoy sa 7.2 quake sa PNG appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *