Walang meningcoccemia outbreak sa Calabarzon — DOH

Wala umanong outbreak ng meningococcemia sa Calabarzon o rehiyon na sumasakop sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

walang meningcoccemia outbreak sa calabarzon doh - Walang meningcoccemia outbreak sa Calabarzon — DOH
ABANTE meningcoccemia - Walang meningcoccemia outbreak sa Calabarzon — DOH

Wala umanong outbreak ng meningococcemia sa Calabarzon o rehiyon na sumasakop sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Ito ang tiniyak kahapon ni Department of Health (DOH) Regional Director Eduaro Janairo kasunod nang pagkumpirma na isang 53-anyos na babae mula sa Tanauan, Batangas ang binawian ng buhay kamakailan dahil sa meningococcemia habang tatlong iba pang pasyente na mula rin sa Batangas ang sinusuri at hinihinalang dinapuan nito.

Sinabi ni Janairo na walang dapat na ipa­ngamba ang publiko, partikular na ang mga re­sidente ng Batangas dahil ‘isolated case’ lamang ang insidente.

Sa rekord, nabatid na ang ‘di pinangalanang pasyente, ay bumiyahe sa Dubai, United Arab Emirates (UAE), at umuwi sa Pilipinas noong Mayo.

Nabatid na Setyembre lamang ito nakitaan ng mga sintomas ng sakit at nitong Setyembre 21 ay binawian ito ng buhay sa isang pagamutan sa Tanauan.

Nilinaw ni Janairo na posibleng noong nasa Dubai pa ang biktima ay dinapuan na ito at na­ging carrier ng sakit pero hindi kaagad ito nakita dahil malakas pa ang katawan nito at nang pagdating sa Pilipinas ay posibleng humina ang resistensiya nito kaya’t dito na nakitaan ng sintomas ng karamdaman hanggang sa tuluyang igupo at mamatay.

Samantala, sinabi ni Janairo na hindi pa kumpirmado kung meningococcemia rin ang naging sakit ng tatlo pang pasyente, na binawian ng buhay dahil hinihintay pa nila ang resulta ng pagsusuri sa blood samples ng mga ito.

Tiniyak ni Glen Ramos, public information officer ng DOH-Calabarzon, iaanunsiyo nila ang magiging resulta ng pagsusuri ng Research Ins­titute for Tropical Medicine (RITM) sa blood samples ng isang 46-anyos na babae mula sa San Jose, Batangas, gayundin ng isang 1-anyos batang babae at 2-anyos lalaki mula naman sa Nasugbu, Batangas, at pawang nakitaan rin ng mga sintomas ng sakit.

Ang meningococcemia ay malubhang sakit dulot ng bakterya at ang malalang kaso nito ay nagdudulot ng impeksiyon sa utak, gulugod at dugo na nakamamatay.

Ito ay naililipat sa ibang tao sa pamamagitan ng pag-ubo at paghalik at nakukuha rin ito sa bacteria na katulad ng sa meningitis. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *