Walang maiiwanan sa palipad na ekonomiya

Walang maiiwanan sa palipad na ekonomiya

WALANG duda si Albay Rep. Joey Salceda na lilipad na ang ekonomiya ng bansa at natatanaw na ito.

The post Walang maiiwanan sa palipad na ekonomiya appeared first on Abante News Online.

walang maiiwanan sa palipad na ekonomiya - Walang maiiwanan sa palipad na ekonomiya
salceda 6 - Walang maiiwanan sa palipad na ekonomiya

WALANG duda si Albay Rep. Joey Salceda na lilipad na ang ekonomiya ng bansa at natatanaw na ito.

Bilang kilalang ekonomista, naniniwala ang mambabatas na ang inaasahang pagtaas ng ekonomiya ay tutukuran ng magkakatugmang mga kaganapan gaya ng pag­lobo ng ‘gross domestic product’ (GDP) ng bansa at ang pagkakaisa ng ‘infrastructure team’ ni Pangulong Duterte at ang mga estratihiya nila.

Ayon kay Salceda, karaniwang sumisipa pataas ang GDP sa pangatlong taon ng administrasyon gaya ng naganap sa termino nina Pangulong Arroyo noong 2004 at Pangulong Aquino noong 2013 ngunit parehong naudlot dahil sa pagtitipid dulot ng ‘global financial crisis’ ng kanilang panahon.

Ngayong taon, positibo si Salceda na lolobo sa 9-11% ang GDP, mataas kaysa opisyal na taya dahil sa malala­king imprastruktura. Lahat ito ay nakasaad sa ‘Duterte­nomics’ na binalangkas at isinumite ni Salceda kay Duterte noong 2016.

“Iba ang panahon. Dahil sa ‘political will’ at mabisang ugnayan ng Department of Finance, Dept. of Transportation, Dept. Public Works and Highways at Dept. of Trade and Industry, magsisibing bahikulo ng malalaking pamumuhunan ang imprastraktura, lalo na at ayaw na ng Pa­ngulo ng ‘derailed budget.’” punto ng kongresista.

The post Walang maiiwanan sa palipad na ekonomiya appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *