Walang mafia sa PhilHealth — Morales

abante-tonite-philhealth

PINABULAANAN ni PhilHealth President and CEO Brig. Gen. Ricardo Morales ang napabalita na mayroong ‘mafia’ sa nasabing ahensya na siyang utak umano ng korapsyon.

walang mafia sa philhealth morales - Walang mafia sa PhilHealth — Morales
abante tonite philhealth - Walang mafia sa PhilHealth — Morales

PINABULAANAN ni PhilHealth President and CEO Brig. Gen. Ricardo Morales ang napabalita na mayroong ‘mafia’ sa nasabing ahensya na siyang utak umano ng korapsyon.

Sa ginanap na forum sa Quezon City, ayon kay Morales, patuloy ang kanilang isinasagawang internal investigation sa umano’y sinasabing katiwalian sa PhilHealth maliban pa ang ginagawang pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation (NBI), Comission on Audit (COA) at Senate Blue Ribbon Committee.

“Its only trial by publicity at ‘yung walong exe­cutive na inaakusa­han ng corruption ay wala naman ebidensya silang mailabas laban sa mga ito,” ani Morales.

Aniya, dapat na respetuhin din ang privacy ng kanilang mga idinadawit o sinuman ang involve at hindi basta-basta na lamang nag-iingay sila sa media.

“As of now, I already ratated the position whom they accused of corruption and I do an organizational wide movement” dagdag pa ni Morales.

Samantala, sa inilabas ng statement ng 21 opisyal at staff ng PhilHealth, mariin nilang itinanggi ang akusasyon laban sa kanila.

“The NBI accusation is all sweeping and we consider this irresponsible and insensitive since we are clearly being subjected by trial by publi­city. We have concerned families and relatives and we deserve privacy. We are ready to face the accusation at the proper venue and be given due process” pahayag pa ng mga ito.

Kamakalawa, sinampahan ng kasong Graft and Corruption ni Atty. Harry Roque siyam na dating opisyal ng PhilHealth, at tatlong kasalukuyang opisyal ng ahensiya sa Ombudsman.

Nag-ugat ang kaso sa ginawang pagbawi ng PhilHealth board of directors sa revocation ng accreditation ng Perpetual Succor Hospital of Cebu. (Dolly Cabreza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *