Walang iskuwater na tinamaan ng COVID-Duterte

Bilib si Pangulong Rodrigo Duterte sa tibay ng resistensiya ng mga nakatira sa squatters’ area dahil hindi tinatablan ng COVID-19.

The post Walang iskuwater na tinamaan ng COVID-Duterte first appeared on Abante.

walang iskuwater na tinamaan ng covid duterte - Walang iskuwater na tinamaan ng COVID-Duterte
abante duterte 10 - Walang iskuwater na tinamaan ng COVID-Duterte

Bilib si Pangulong Rodrigo Duterte sa tibay ng resistensiya ng mga nakatira sa squatters’ area dahil hindi tinatablan ng COVID-19.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na wala siyang nakita o nabalitaang taga -squatters area na tinamaan o nagkasakit sa COVID-19.

Mismong sa Davao City aniya ay nagtanong -tanong ito sa mga bata at walang nabalitang tinamaan ng mabagsik na virus.
“Huwag ho kayong mainsulto kasi totoo naman, pero wala akong nakitang taga-squatter na tinamaan. Maski sa Davao, magtanong ako ng mga bata, wala.,” anang Pangulo.

Malakas aniya ang anti-bodies sa katawan ng mga nakatira sa squatter’s area dahil bata pa lamang ang mga ito ay nahigop na ng kanilang katawan ang mga bacteria at virus kaya hindi na tinatablan ang mga ito.

“All those years from infancy to how old they are now, hinigop nilang lahat ang ang kagaw kaya nagkaroon na sila ng panlaban. Pag lumusot kasi iyan noong maliit pa nagkasakit , natatag na yan. Hindi na tinatablan,” dagdag ng Pangulo.

Pero hindi aniya dapat maging kampante kahit mayroon ng antibodies na panlaban sa sakit dahil baka darating ang panahon na matamaan din ng COVID-19 ang mga ito.

Ikinagalak ng Pangulo ang datos na ibinigay sa kanya ng Department of Health (DOH) at National Task Force on COVID-19 dahil mas marami ang naka-recover sa naitalang COVID cases at mababa rin ang bilang ng mga namatay sa sakit.

“So total active is 49, maliit na lang, 83. Nag-flatten na nga. Total cases 228 thousand pero it is offset by the recoveries at wala masyadong severe contamination,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

The post Walang iskuwater na tinamaan ng COVID-Duterte first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *