Walang deployment ban sa Hong Kong — DOLE

dole3

NILINAW ng Department of Labor and Employment (DOLE) na wala pa silang iniutos na mandatory repatriation o deployment ban ng mga manggagawang Pilipino sa Hong Kong.

walang deployment ban sa hong kong dole - Walang deployment ban sa Hong Kong — DOLE
dole3 - Walang deployment ban sa Hong Kong — DOLE

NILINAW ng Department of Labor and Employment (DOLE) na wala pa silang iniutos na mandatory repatriation o deployment ban ng mga manggagawang Pilipino sa Hong Kong.

Ginawa ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang paglilinaw sa gitna ng pagkalat ng mga post sa social media, na nagpapatupad na ang gobyerno ay may mandatory repatriation sa mga OFW dahil sa luma­lalang karahasan sa mga pro-democracy rally na naglalagay sa peligro sa mga Pinoy sa HK.

Sinabi pa ni Bello na wala pang abiso ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang konsulada kung anong hakbang ang gagawin sa mga OFW.

“Right now there is no communication from the DFA and even from the consulate of Hong Kong regarding the possibility of repatriation, either voluntary or mandatory. We are in close coordination with the DFA for any development,” ani Bello.

Idinagdag niya na ang labor attaché sa Hong Kong ay updated sa petsa, oras at lugar ng mga protesta sa isang 24/7 na batayan at agad na naglabas ng lingguhang advisory para sa kamalayan ng publiko.

Kasabay nito, hinikayat ni Bello ang publiko na huwag pansinin ang paglaganap ng mga pekeng balita sa social media at sa iba pang mga web page at umasa sa mga advisory at news bulletin na inisyu ng consulate ng Pilipinas at ng DOLE. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *