Walang 780% dagdag presyo sa Tubig

TINIYAK ng Manila Water Company Inc. na hindi sila magtataas ng presyo sa tubig sa kabila ng daang bilyong gagastusin sa konstruksyon ng mga sewege bilang pagsunod sa Clean Water Act

walang 780 dagdag presyo sa tubig - Walang 780% dagdag presyo sa Tubig
water 16 - Walang 780% dagdag presyo sa Tubig

TINIYAK ng Manila Water Company Inc. na hindi sila magtataas ng presyo sa tubig sa kabila ng daang bilyong gagastusin sa konstruksyon ng mga sewege bilang pagsunod sa Clean Water Act

Sinabi rin ni Manila Water Company Inc. spokesperson Jeric Sevilla na wala silang balak na ipasa sa mga consumer ang pambayad sa P921 milyong multang pinataw ng Supreme Court (SC) sa kompanya.

Sabi ni Sevilla, ang magiging 780% na increase ay ang halaga ng pagtatayo ng wastewater facilities na ini­utos ng Korte Suprema at nakasaad ito sa motion for reconsideration na kanilang inihain sa korte.

“We would like to clarify that the 780% increase included in the pleading in our motion for reconsideration to the Supreme Court is what it would have cost to build wastewater facilities,” sabi ni Sevilla.

“We are complying with the Supreme Court Mandamus to complete our wastewater programs by 2037.”

Ang P921 milyong multa ay paghahatiang bayaran ng Manila Water, Maynilad Water Services Inc., at Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS).

Pinagmulta sila dahil umano sa paglabag sa Clean Water Act of 2005.

Unang pinataw ng Department of Environment and Natural Resources ang multa noong 2009 at umabot sa Court of Appeals ang usapin.

Magugunita na noong Agosto 2019 ay pinagmulta ng SC en banc sa botong 14-0 ang water concessionaires na Maynila at Manila Water ng P921M milyon bawat isa dahil sa paglabag sa Philippine Clean Water Act. (Eileen Mencias )

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *