Wakasan ang endo ­­— VP Robredo

NGAYONG Araw ng Paggawa,panawagan ni Vice President Leni Robredo na wakasan na ang contractualization.

The post Wakasan ang endo ­­— VP Robredo appeared first on Abante News Online.

wakasan ang endo vp robredo - Wakasan ang endo ­­— VP Robredo
Leni Robredo4 - Wakasan ang endo ­­— VP Robredo

NGAYONG Araw ng Paggawa,panawagan ni Vice President Leni Robredo na wakasan na ang contractualization.

Matatandaan na ang pagwakas sa endo ang isa sa pangako ng administrasyong Duterte subalit hindi pa ito natutupad.

Sa isang statement sinabi ni Robredo na kaisa sya sa nanawagan na tapusin na ang sistema ng kontraktwalisasyon.

“Itaguyod ang ligtas, marangal at regular na trabaho para sa manggagawang Pilipino,” pahayag ni Robredo kung saan nais din umano nitong ipaalala ang pa­ngako ng administrasyon sa mga manggagawa na hindi na sila maagrabyado sa kanilang trabaho.

Umaasa si Robredo na aaksyunan din ng Senado ang naipasa ng Kamara noon pang Enero 2018 na Security of Tenure bill.

Nakapaloob sa nasabing panukala na hindi dapat lumagpas sa 6 na buwan ang probatio­nary employment gayundin ang nagbabawal sa pagkuha sa mga empleyado na may fixed-term contracts maliban na lamang sa kaso ng mga Overseas Filipino workers at mga project-basedn at seasonal workers.

Ang nasabing panukala ay sinertipikahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent bill subalit hindi pa rin isinasabatas ng Senado.

Ang nasabing panukala ang itinutulak din ng church labor group na Church People-Workers Solidarity (CWS) sa gobyerno para tuluyan nang matuldukan ang kontraktwalisasyon sa hanay ng mga manggagawa.

Sa isang pahayag para sa pagdiriwang ng Labor Day kahapon, sinabi ng CWS na may pagkukulang ang pamahalaan sa dinaranas na pang-aabuso sa mga manggagawa dahil sa kawalan ng aksyon na ihinto ang kontraktwalisasyon.

“The lack of government’s will to end contractualization has allowed workers to be exploited to the maximum level,” ayon sa CWS.

Naging saksi umano sila kung paano “nagamit” at “pinagkakitaan” ng labis ang mga manggagawa na dugo’t-pawis ang puhunan sa pagta-trabaho.

Magugunitang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 51 na nagbabawal sa illegal contracting at subcontracting.

Gayunpaman, sinabi ng ilang labor group na walang ngipin ang nasabing kautusan.

Sinabi naman ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na ang kasalukuyang sitwasyon ng mga manggagawa ay taliwas sa katuruan ng Simbahan tungkol sa social justice.

“The workers have long been demanding for security of tenure. End contractualization,” ani Pabillo.

The post Wakasan ang endo ­­— VP Robredo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *