‘Wag pagoyo sa COVID bakuna online

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa mga ibinibentang vaccine sa online na ligtas at mabisa umanong pangontra sa COVID-19.

wag pagoyo sa covid bakuna online - ‘Wag pagoyo sa COVID bakuna online
vaccine 1 - ‘Wag pagoyo sa COVID bakuna online

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa mga ibinibentang vaccine sa online na ligtas at mabisa umanong pangontra sa COVID-19.

Nilinaw ng ahensya na wala silang inaaprubahang anumang vaccine para gamitin laban sa COVID-19 kung kaya’t iligal at peligroso ang mga inilalakong vaccine sa online.

Sa kasalukuyan ay nasa estado pa aniya ng clinical trial ang lahat ng mga kandidatong vaccine sa bansa para lubusang magarantiyahan ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga ito.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009, mahigpit na pinagbabawal ang pagbebenta at paggamit ng mga hindi rehistradong produkto sa bansa dahil sa panganib na maaaring idulot nito sa kalusugan ng tao tulad ng pagkakasakit at kamatayan.

Nanawagan din ang FDA sa mga lokal na pamahalaan na tiyaking hindi kakalat ang mga pekeng vaccine sa kanilang mga lugar para maprotektahan ang kanilang mga residente.

Pinayuhan din ang publiko na iwasang magpatangay sa mga pangako ng mga online seller sa ibinebentang produkto ng mga ito partikular na ngayong pandemya. (Mia Billones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *