VP Robredo camp sa PET: Ideklara ang panalo niya sa protesta ni Marcos

MULING nanawagan ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na maresolba na sa lalong madaling panahon ang electoral protest na inihain laban sa kaniya ni Bongbong Marcos.

The post VP Robredo camp sa PET: Ideklara ang panalo niya sa protesta ni Marcos appeared first on Abante News Online.

vp robredo camp sa pet ideklara ang panalo niya sa protesta ni marcos - VP Robredo camp sa PET: Ideklara ang panalo niya sa protesta ni Marcos
leni 12 - VP Robredo camp sa PET: Ideklara ang panalo niya sa protesta ni Marcos

MULING nanawagan ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na maresolba na sa lalong madaling panahon ang electoral protest na inihain laban sa kaniya ni Bongbong Marcos.

Ito ay matapos mapatunayan sa resulta ng initial recount, para sa tatlong probinsyang pinili mismo ni Marcos, na lamang talaga si Robredo sa botohan.

Nitong Huwebes, Hunyo 13, naghain ang abogado ni VP Leni na si Atty. Romulo Macalintal ng isang Urgent Motion, kung saan nanawagan sila sa PET agad nang maresolba lahat ng mga nakabinbin na usapin tungkol sa recount, na natapos noong Marso.

Aniya, dapat maglabas na ng resolusyon tungkol sa mu­ling pagbilang ng mga balota sa Camarines Sur, Negros Oriental, at Iloilo—na nagpapatibay sa pagkapanalo ni Robredo noong 2016.

Sa kabila ng paggamit ng 50-percent threshold sa naunang bahagi ng proseso, lumabas sa recount na matunog pa rin ang lamang ni Robredo sa tatlong probinsya, kung saan siya nakakuha ng 1,536,030 na boto. Malaki ang agwat nito sa 200,467 na boto para kay Marcos.

Sa kabuuan, nagtala si VP Leni ng 14,438,750 na boto, kung saan ang lamang niya ay umabot na sa 279,215 na boto, mas mataas pa sa winning margin niya noong ipinroklama noong 2016.

Idiniin ng kampo ni VP Leni na sa kabila ng maigting na pagtatangka ng kampo ni Marcos na lokohin ang publiko, lalo sa social media, tungkol sa nangyayari sa electoral protest, ang resulta ng recount ang nagpapakita na “game over” na para kay Marcos, dahil hindi siya nakakuha ng kinakailangang “substantial recovery” sa mga probinsyang siya mismo ang pumili.

Ayon rin sa abogado ni VP Leni, inihain nila ang mosyon na ito upang pasinungalingan ang paulit-ulit na pag-aakusa ng kampo ni Marcos at ng kanilang mga tagasuporta na si Robredo ang nagde-delay ng proseso.

“Gusto naming patunayan dito na hindi kami nagde-delay ng anumang kaso.

Kasi lumalabas na panay ang rally nila dito sa harapan ng Supreme Court na para bang kami ang nagiging cause of delay. Nais lang naming patunayan na kami ay nais din naming maresolba agad ang nasabing kaso, kasi kami ay naniniwala na wala namang nakitang ebidensya ng pandaraya,” saad ng abogado. (Juliet de Loza-Cudia)

The post VP Robredo camp sa PET: Ideklara ang panalo niya sa protesta ni Marcos appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *