VP Robredo, Bea Alonzo sanib-puwersa sa Rizal

NAGPASALAMAT si Vice President Leni Robredo sa “star power” na tumutulong sa kanyang pagbibigay ayuda sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.

The post VP Robredo, Bea Alonzo sanib-puwersa sa Rizal first appeared on Abante.

vp robredo bea alonzo sanib puwersa sa rizal - VP Robredo, Bea Alonzo sanib-puwersa sa Rizal
leni robredo 1 - VP Robredo, Bea Alonzo sanib-puwersa sa Rizal

NAGPASALAMAT si Vice President Leni Robredo sa “star power” na tumutulong sa kanyang pagbibigay ayuda sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Kabilang na dito ang grupo ng actress na si Bea Alonzo na nagbibigay umano ng mga supplies.

Ipinakita pa ito ni Robredo sa kanyang Facebook account na mula sa charity group na co-founded ni Alonzo.

“Lubos ang ating pasasalamat sa pakikiisa ng I Am Hope Organization nina Rina Navarro at aktres na si Bea Alonzo sa ating mga inisiyatibo!” sinabi ni Robredo.

“Kabilang rin sa kanilang ipinaabot na tulong ang 200 hot meals at milk tea na ipinamahagi natin sa evacuees sa Francisco P. Felix Elementary School sa Cainta, Rizal nitong linggo,” sinabi ni Robredo. (Kiko Cueto)

The post VP Robredo, Bea Alonzo sanib-puwersa sa Rizal first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *