VP Leni, mga staff naka-quarantine

Naka-quarantine ngayon si Vice President Leni Robredo at ang ilan niyang staff matapos na ma-exposed sa isang may coronavirus disease 2019 (COVID-19) kamakailan.

The post VP Leni, mga staff naka-quarantine first appeared on Abante.

vp leni mga staff naka quarantine - VP Leni, mga staff naka-quarantine
leni robredo - VP Leni, mga staff naka-quarantine

Naka-quarantine ngayon si Vice President Leni Robredo at ang ilan niyang staff matapos na ma-exposed sa isang may coronavirus disease 2019 (COVID-19) kamakailan.

Ayon kay Robredo, Miyerkules nang ma-exposed siya sa isang COVID-19 case sa isa sa kanyang mga aktibidad, kaya’t nagpasya na siyang mag-quarantine.

Bukod aniya sa kanya ay na –exposed rin sa COVID-19 case ang kanyang chief of staff na si Undersecretary Philip “Boyet” Dy at ilan pang staff, na pawang naka-quarantine na rin ngayon.

Dahil aniya sa pangyayari ay hindi na muna natuloy ang kanyang mga lakad habang ang lahat ng kanyang mga aktibidad ay isasagawa na rin lamang muna online.

“Dapat sana itong darating na linggo, sa Lucena kami, Tuesday dapat sa Caloocan kami. Pero na-expose ako noong Miyerkoles, noong Huwebes. Na-expose ako sa isang nag-positive,” pahayag ni Robredo sa panayam sa radyo.

Umaasa naman si Robredo na maisasailalim siya at kanyang mga staff sa swab test sa lalong madaling panahon upang matukoy kung nahawa sila ng virus. (Dolly B. Cabreza)

The post VP Leni, mga staff naka-quarantine first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *