VP Leni kasangga ng 22 mangingisda

SAN JOSE, Occidental Mindoro — Sa gitna ng pangmamaliit ng administrasyong Duterte sa pagbangga ng isang Chinese vessel sa kanilang bangka, nakahanap ng kasangga ang mga mangingisdang Pilipino kay Vice President Leni Robredo.

The post VP Leni kasangga ng 22 mangingisda appeared first on Abante News Online.

vp leni kasangga ng 22 mangingisda - VP Leni kasangga ng 22 mangingisda
leni 14 - VP Leni kasangga ng 22 mangingisda

SAN JOSE, Occidental Mindoro — Sa gitna ng pangmamaliit ng administrasyong Duterte sa pagbangga ng isang Chinese vessel sa kanilang bangka, nakahanap ng kasangga ang mga mangingisdang Pilipino kay Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang pagdalaw sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro, nitong Biyernes, Hunyo 21, nakausap ni Robredo ang mga mangingisdang lulan ng F/B Gem-Ver, na lumubog kamakailan lang sa Recto Bank, isang bahagi ng West Philippine Sea.

Bagama’t sa una ay halata ang pagod at tila pag-aalinlangan ng mga mangingisda, kalaunan ay gumaan rin ang loob ng mga ito sa Bise Presidente, na kinuwentuhan nila tungkol sa kanilang pinagdaanan: mula sa paglubog ng bangka nila dahil sa pagbangga, ang pang-iiwan ng crew ng Chinese vessel na nagdulot ng pinsala, hanggang sa paghingi ng tulong sa isang Vietnamese vessel na malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Sunod sa layon ng kanyang pagbisita, ipinaabot ni Robredo sa mga mangingisda ang kanyang pakikiisa. Aniya, handa ang kanyang opisina na tulu­ngan sila at ang pamilyang may-ari ng bangka sa kanilang muling pagbangon, lalo pa’t ang bangkang nasira ang inaasahan nilang lahat para sa kanilang kabuhayan.

Sa kabila ng mabigat na pinagdaraanan, tila mas nakapalagayan ng loob ng mga mangingisda si Robredo, na nauna nang nagsabi na dapat panagutin ang crew ng Chinese vessel na bumangga sa bangka ng mga Pilipino.

Marami ang nakapansin na malaki ang pagkakaiba ng pakikitungo ng Bise Presidente sa mga mangingisda kumpara sa pagharap sa kanila ng mga miyembro ng administrasyong Duterte, tulad nina Agriculture Secretary Manny Piñol at Energy Secretary Alfonso Cusi. Matatandaang sinabi ni Cusi na “daplis” lang ang sinapit ng bangka ng mga Pilipino, habang idiniin naman ni Piñol na aksidente lang ang nangyari. Mismong si Pangulong Duterte ay itinuturing na “maliit” na maritime incident lamang ito.

Bukod sa dayalogo sa mga mangingisda, binisita rin ni Robredo ang bahay ng kapitan ng bangka na si Junel Insigne, kung saan siya malugod na sinalubong ng asawa nitong si Lanie at ng kanilang mga anak.

Dala ng Bise Presidente ang tulong pinansyal na P50,000 para sa bawat mangingisda, na bigay ng isa sa mga partner ng kanyang opisina sa ilalim ng Angat Buhay program.

The post VP Leni kasangga ng 22 mangingisda appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *