Voter’s registration tatapusin sa Lunes

PINAALALA kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na hanggang sa Lunes, Setyembre 30, na lamang ang idinaraos na voter’s registration sa buong bansa.

voters registration tatapusin sa lunes - Voter’s registration tatapusin sa Lunes
voters 3 - Voter’s registration tatapusin sa Lunes

PINAALALA kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na hanggang sa Lunes, Setyembre 30, na lamang ang idinaraos na voter’s registration sa buong bansa.

Kasabay nito, hinikayat­ ni Comelec spokeper­son James ­Jimenez ang publiko
na samantalahin ang nalalabing dalawang araw nang pagpaparehis­tro para makapagpatala at makaboto sa mga ­susunod na eleksyon.

Sabi ni Jimenez, inaasahan nilang dadagsa ang mga maghahabol sa voter’s registration nga­yong Sabado hanggang sa Lunes na siyang deadline.

Sa ilalim ng Section 6 ng Comelec Resolution No. 10549, may mga procedure na dapat na ipa­tupad sa huling araw ng voter’s registration.

Nabatid na pagsapit ng alas-tres nang hapon, lahat ng aplikante na nakapila na para magparehistro ay kukunin ang pangalan at papaya­gan pa rin magpatala­ pero kinakailangang nasa tanggapan sila ng ­Comelec sa sandaling tinawag na ng election officer ang kanilang ­pangalan ng tatlong ulit, upang makuhanan ng biometrics at maiproseso ang aplikasyon.

Maglalagay rin ang poll body ng express lane para sa mga taong may kapansanan o persons with disability (PWD), mga senior citizen at mga buntis upang hindi mahirapan ang mga ito sa pagpaparehistro.

Samantala, umabot na diumano sa 2,645,446 ang bilang ng mga nagparehistro na bagong botante mula nang ipatupad ito noong Agosto 1 hanggang Setyembre 21.

Pinayuhan rin ng Comelec ang mga apli­kante na hahabol sa dalawang huling araw ng pagpapatala na maagang magtungo sa Office of the Election Officer (OEO) sa lungsod o munisipalidad, o satellite registration center.

(Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *