Vintage bomb nahalukay sa Tondo

NADISKUBRE ng grupo ng kabataang nangangalakal habang lumalangoy sa ilog ang isang vintage bomb sa Tondo, Maynila kamakalawa nang hapon.

The post Vintage bomb nahalukay sa Tondo appeared first on Abante News Online.

vintage bomb nahalukay sa tondo - Vintage bomb nahalukay sa Tondo
vintage - Vintage bomb nahalukay sa Tondo

NADISKUBRE ng grupo ng kabataang nangangalakal habang lumalangoy sa ilog ang isang vintage bomb sa Tondo, Maynila kamakalawa nang hapon.

Sa salaysay ng 13-anyos na lalaki na unang nakahanap sa bomba, nakapa diumano nito ang pampasabog habang naliligo sa Maralla River, na sakop ng Brgy. 128, Balut, Tondo.

Inakala umano ng mga bata na mapapakinabangan na bakal ang nadakma sa ilog kaya kaagad na dinala sa junk shop para ibenta.

Pero nang inspeksiyunin ay dito na tumambad na bomba ang inakalang simpleng bakal.

Kaagad na itinawag sa Manila Police District-Explosive and Ordnance Division nang makita ng may-ari ng junk shop ang vintage bomb para sa disposisyon. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Vintage bomb nahalukay sa Tondo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *