Villar sapul ng land conversion ban

TAPOS na ang maliligayang araw ng mga real estate business sa bansa kapag lumusot ang panukalang batas na inihain sa Senado upang maipagbawal ang conversion ng mga lupang pang-agrikultura upang maging residential, commercial, industrial at iba pa.

villar sapul ng land conversion ban - Villar sapul ng land conversion ban
villar 9 - Villar sapul ng land conversion ban

TAPOS na ang maliligayang araw ng mga real estate business sa bansa kapag lumusot ang panukalang batas na inihain sa Senado upang maipagbawal ang conversion ng mga lupang pang-agrikultura upang maging residential, commercial, industrial at iba pa.

Nakapaloob ito sa Senate Bill No. 256 o ang “Agricultural Land Conversion Ban Act” na inihain ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangi­linan.

Katuwiran ni Pangilinan, mula nang ipatupad ang agra­rian reform noong 1988 hanggang nitong 2016, mahigit 100,000 agricultural land (kasinlaki ng pinagsamang Metro Manila at Cebu City), ang hindi nakukunan ng pagkain ng mga Pinoy.

“Kailangan natin ang mga magsasaka para kumain ang bayan. Kailangan ng mga magsasaka na may lupang sinasaka para pakainin ang bayan,” giit ng senador.

Sabi ng senador, ang mabilis na urbanisasyon at pagdami ng pupulasyon ang nagdadagdag sa problema sa pagbagsak ng agricultural land sa bansa.

“Pinapanukala nating protektahan ang mga lupang sakahan na ginastusan na ng gobyerno sa patubig,” sabi ni Pangilinan sa kanyang inihaing panukalala na naglalayong ipriserba ang mga irrigated land para sa food security ng bansa.

Pinakamalaking tinamaan ng massive land conversion ang Luzon kung saan 80.6% ang naaprubahan habang ang Visayas ay may 7.8% at Mindanao, 11.6%.

“Kritikal ito para matiyak ang food security ng ating bansa. Madalas, prime agricultural lands pa ang pinupuntiryang i-convert,” sabi ng senador.

Nais din ni Pangilinan na amiyendahan ang Section 20 ng Local Government Code, na nag-oobliga ng karagdagang approval mula sa Department of Agriculture, Agrarian Reform, at Environment and Natural Resources, gayundin ang local government units bago ang land reclassification at conversion ng isang agricultural land.

“Itong karagdagang requirement bago makakuha ng conversion permit ay para matiyak kung nararapat nga ang conversion ng isang lupang pang-agrikultura.

Napapanahon ang paghihigpit na ito dulot na rin ng labis na land conversion, ligal man o iligal,” ani Pangilinan.

Nang tanungin ng Abante si Pangilinan kung puntirya ng kanyang panukala ang negosyo ng mga Villar, tumanggi naman itong magbigay ng pahayag.

Si dating Senate President Manny Villar ang pinakamayaman ngayon sa Pilipinas dahil na rin sa negosyo nito sa housin­g. Ang pamilya nito ang nagpapatakbo ng Vista Land and Lifescapes Inc.

Karamihan sa mga housing project ng kompanya ng mga Villar at iba pang real estate company, ay dating mga sakahan.

Sinikap din ng Abante na hingan ng komento ang asawa ni Manny na si Senador Cynthia Villar, at maging ang taga­pagsalita nito subalit hindi sila nagbigay ng komento.

(Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *