Villar sa kapalpakan ng bata ni Dar: Kung ako head, suicide na lang

“Kung ako ang head niya at ‘yan ang performance ko magsu-suicide ako. Nakakahiya.”

The post Villar sa kapalpakan ng bata ni Dar: Kung ako head, suicide na lang first appeared on Abante.

villar sa kapalpakan ng bata ni dar kung ako head suicide na lang - Villar sa kapalpakan ng bata ni Dar: Kung ako head, suicide na lang
abante villar 1 - Villar sa kapalpakan ng bata ni Dar: Kung ako head, suicide na lang

“Kung ako ang head niya at ‘yan ang performance ko magsu-suicide ako. Nakakahiya.”

Ito ang bahagi ng sermon ni Senador Cynthia Villar sa isang opisyal ng Philippine Carabao Center (PCC) na nasa ilalim ng pangangasiwa ni Agriculture Secretary William Dar sa pagdinig ng Senado sa estado ng dairy industry sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate committee on agriculture, food and agrarian reform na pinumunan ni Villar, gigil at sinabon nito ng todo si PCC Executive Director Dr. Arnel Del Barrio.

Ayon senadora, nagbigay siya ng P10 milyon sa PCC para sa pagtatayo ng process center para maproseso ang mga gatas mula sa mga kalabaw subalit kung saan aniya dinala ni Del Rosario ang pondo.

“Ba’t hindi ginagawa, ba’t hindi ginawang priority? Ikaw na ang nagsabi ng P10M ang kailangan pero ayaw mo ipagawa ang building. Saan mo dinala ang pera? Sumagot ka, sumagot ka!” galit na pahayag ni Villar sa opisyal.

Nadiskubre rin ni Villar na P28 milyon ang alokasyon ng PCC para sa milk feeding program sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), bagay na kinuwestiyon ng senadora.

Sa sama ng loon ni Villar, sinabihan nito si Del Barrio na sinira nito ang kanyang pangarap na matulungan ang mga dairy farmer at makapag-produce ng gatas sa bansa.

“Kaya ang sama-sama ng loob ko, sinira mo (Del Barrio) ang pangarap ko sa dairy farmers,” sabi ni Villar.

Sagot naman ni Del Barrio, “itutuloy po namin ang pangarap n’yo. Lahat naman po ng pinapagawa n’yo, ginagawa namin eh.” (Dindo Matining)

The post Villar sa kapalpakan ng bata ni Dar: Kung ako head, suicide na lang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *