Villar sa DA: Baliw na kayo sa research!

Sinermunan ni Senador Cynthia Villar ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) dahil sa paglaan ng malaking pondo para sa pananaliksik ng National Corn Program.

villar sa da baliw na kayo sa research - Villar sa DA: Baliw na kayo sa research!
cynthia villar - Villar sa DA: Baliw na kayo sa research!

Sinermunan ni Senador Cynthia Villar ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) dahil sa paglaan ng malaking pondo para sa pananaliksik ng National Corn Program.

“Baliw na baliw kayo sa research. Aanhin n’yo ba yung research?” pahayag ni Villar sa budget hearing ng Department of Agriculture kanina, Oktubre 9, 2019.

“Hindi ko maintindihan yung research n’yo, lalo na ‘yung farmer. Gusto ba ng farmer ‘yung research? Hindi ba gusto nila tulungan n’yo sila? Bakit ba lahat ng budget n’yo [nakalaan para sa] research?” dagdag nito.

Sa ilalim ng panukalang 2020 budget ng National Corn Program, naglaan ang DA nang P150 milyon para sa pananaliksik.

“Imagine calamity assistance, P265 milyon? P150 milyon ang research. Eh ‘di P400 milyon na yon?. Ayusin n’yo ‘to,” naiinis na pahayag ni Villar.

Kung siya umano ang magsasaka, mas gugustuhin niyang mga butong pananim (seed) o di kaya’y makinarya ang matanggap niyang tulong mula sa DA.

Paliwanag naman ni Lorenzo Carangian, national coordinator ng National Corn Program, nagbibigay naman umano sila ng ayuda sa magsasaka tulad ng seed at fertilizer. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *