Villar nilaglag mga housing developer

Iminungkahi ni Senadora Cynthia Villar sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na i-blacklist ang mga housing developer na nag-aabandona ng kanilang proyekto sa ibat ibang lugar sa bansa.

The post Villar nilaglag mga housing developer first appeared on Abante.

villar nilaglag mga housing developer - Villar nilaglag mga housing developer
Cynthia Villar - Villar nilaglag mga housing developer

Iminungkahi ni Senadora Cynthia Villar sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na i-blacklist ang mga housing developer na nag-aabandona ng kanilang proyekto sa ibat ibang lugar sa bansa.

Ginawa ng senadora ang suhestiyon matapos talakayin ng mga mambabatas sa pagdinig ng kumpirmasyon ni DHSUD Secretary Eduardo del Rosario ang tungkol sa ‘non-compliance’ ng mga developer sa kanilang mga proyekto.

Tinanong ni Davao Oriental Rep. Joel Mayo Almario si Del Rosario kung may malinaw bang polisiya para matugunan ang problemang ito.

“We want to see a clear policy of how the department can address developers which did not comply with requirements,” sabi ni Almario.

Bilang solusyon, iminungkahi naman ni Villar sa DHSUD na magpatupad ng ‘blacklisting system’ kung hindi ipagbabawal ang mga ‘non-compliant’ na mga developer na tumanggap ng proyekto sa gobyerno.

“What the human settlements should do is to blacklist them so that they can never develop again if they abandon their subdivision,” ayon kay Villar.

Sabi ni Villar, nagkalat umano ngayon ang maraming masasamang developer na basta na lang iniiwan ang kanilang mga proyekto.

“Marami po sila. Talagang sa lahat ng bayan natin maraming abandoned subdivisions, undeveloped,” sabi ni Villar.

“Talagang nagloko yung developer, what the human settlements can do is not to allow them to do any more project in the future, blacklist,” dagdag pa nito.

Sinang-ayunan naman ni Senator Francis Tolentino, na namuno sa pagdinig.

“It’s about time for the good secretary to craft an appropriate policy that would classify the developers. Kung merong gold, silver bronze tapos papunta na dun yung blacklisting,” sabi ni Tolentino kay Del Rosario na tinanggap naman ang suhestisyon ng mga senador.

Ang mga Villar ang tinaguriang real property developer sa bansa at nagmamay-ari ng Vista Land na ang mga subisidiary ay Camella Homes, Communities Philippines, Crown Asia, Vista Residences at Brittany. (Dindo Matining)

The post Villar nilaglag mga housing developer first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *