Villar, Duque ‘di pa absuwelto sa korapsiyon

Hindi pa tuluyang absuwelto sina Public Works and Highway Secretary Mark Villar at Health Secretary Francisco Duque III sa imbestigasyon sa korapsiyon.

The post Villar, Duque ‘di pa absuwelto sa korapsiyon first appeared on Abante.

villar duque di pa absuwelto sa korapsiyon - Villar, Duque ‘di pa absuwelto sa korapsiyon
Villar Duque - Villar, Duque ‘di pa absuwelto sa korapsiyon

Hindi pa tuluyang absuwelto sina Public Works and Highway Secretary Mark Villar at Health Secretary Francisco Duque III sa imbestigasyon sa korapsiyon.

Ito ang inihayag ni Justice Spokesman Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar, kabiyak ni DPWH Secretary dahil kailangan pa aniyang tingnan ang lawak ng korapsiyon at halaga ng nakuha sa kaban ng bayan.

“Napag-usapan na siguro ang amount na puwedeng tingnan ay P1 billion o mahigit pero kahit mas konti doon kung ang involved na kawani ay nasa matataas na position o kung ‘di naman kaya ng services na involved ay malaki ang impact sa publiko tulad ng PhilHealth,” ayon kay Aglipay-Villar.

Ginawa ng mega task force spokesman ang pahayag kaugnay ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may tiwala siya kina Duque at Mark Villar sa kabila nang alegasyon ng korapsiyon sa pinamumunuan nilang ahensiya.

“Siya [Duterte] po ay may tiwala… Full trust and confidence kay Secretary Duque at Villar pero ‘di naman po niya inabsuwelto,” ayon lay Aglipay-Villar.

“Kahit sinong secretary at sinong opisyal ng gobyerno ay kailangan kasuhan kung may mahahanap na ebidensiya sa imbestigasyon,” dagdag pa ng opisyal.

Nilinaw din ni Aglipay-Villar, na hindi siya kasama sa anumang task force at ang trabaho niya ay spokesperson na tutugon sa anumang isyu ng conflict of interest.

“Hindi po ako kasama sa investigating panel. Tagapagsalita lang po ako,” ani ni Aglipay-Villar.

Bukod sa DOJ, ang task force ay binubuo ng National Bureau of Investigation (NBI), Office of the Special Assistant to the President (OSAP), Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), National Prosecution Service (NPS), DOJ Office of Cybercrime (OOC), at ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).(Juliet de Loza-Cudia)

The post Villar, Duque ‘di pa absuwelto sa korapsiyon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *