Villar ‘di nararapat sa Senado — FFF

Nanindigan ang isang grupo ng mga magsasaka na hindi sila titigil sa kampanya para harangin ang re-election bid ni Senador Cynthia Villar.

The post Villar ‘di nararapat sa Senado — FFF appeared first on Abante News Online.

villar di nararapat sa senado fff - Villar ‘di nararapat sa Senado — FFF
villar 2 - Villar ‘di nararapat sa Senado — FFF

Nanindigan ang isang grupo ng mga magsasaka na hindi sila titigil sa kampanya para harangin ang re-election bid ni Senador Cynthia Villar.

Ikinagalit ng grupo ng magsasaka ang ginawang pagsusulong ni Villar sa pagsasabatas ng Rice Tarrification Law na umano’y hindi makakatulong sa mga magsasaka.

Ikinasa ng National Policy Board ng Federation of Free Farmers at ng General Assembly at National Board of Directors ng Federation of Free Farmers Cooperatives ang pagkontra nila sa kandidatura ni Villar.

Pinamumunuan ni Villar ang tatlong komite sa senado na mahalaga sa sektor ng agrikultura, ang committee on agriculture, committee on agrarian reform, at ang committee on environment and natural resources na siyang naglalabas ng mga panukalang taliwas sa kapakanan ng mga magsasaka at ng sektor ng agrikultura.

Namumuro namang maungkat ang iba pang isyu laban sa senadora tulad ng isyu sa unli-rice ban, room nurse at ang away niya sa kapatid na alkalde tungkol sa reclamation project sa Las Piñas-Parañaque coastal lagoon.

Matatandaan na noong 2017, inirekomenda ni Villar na ipagbawal ang unli-rice sa mga restaurant dahil nakakasama ito sa kalusugan ng tao. Subalit matapos batikusin ng marami ay napilitan niyang bawiin ang pahayag.

Hindi rin matanggap ng mga nurse ang naging pahayag ng senadora na hindi na kailangang magtapos ng pag-aaral ng nursing dahil sa magtatrabaho lang sila bilang room nurse.

Umalma noon ang 360,000 miyembro ng Philippine Nurses Association.

Sinikap ng Abante na hingan ng pahayag ang kampo ni Villar subalit ayaw nilang patulan ang isyung pinalulutang ng grupo ng magsasaka.

The post Villar ‘di nararapat sa Senado — FFF appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *