Villar, Cayetano balak kontrolin kongreso

BALAK ng Nacionalista Party (NP) na kontrolin ang dalawang kapulungan ng Kongreso kaya’t pinatakbo si incoming Taguig Rep. Alan Peter Cayetano bilang House Speaker.

The post Villar, Cayetano balak kontrolin kongreso appeared first on Abante News Online.

villar cayetano balak kontrolin kongreso - Villar, Cayetano balak kontrolin kongreso
abante Kongreso - Villar, Cayetano balak kontrolin kongreso

BALAK ng Nacionalista Party (NP) na kontrolin ang dalawang kapulungan ng Kongreso kaya’t pinatakbo si incoming Taguig Rep. Alan Peter Cayetano bilang House Speaker.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source na ayaw magpabanggit ng pangalan, interesado rin si Senador Cynthia Villar na palitan sa puwesto si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Pero ang planong ito ay sinunog nina incoming Senator Imee Marcos at Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao ng PDP-Laban.

Kahapon, tumanggi si Villar na lumagda sa re­solusyon upang ipahayag ang suporta sa liderato ni Senate President Sotto.

Tinalakan pa ni Villar si Pacquiao habang kausap nito si Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa session hall.

“Wag n’yo ako idadamay sa away n’yo. Bakit hindi n’yo kausapin si Sotto at mga kapartido n’yo para matapos ang gulong ito? Bakit ako isasali n’yo?”
Hindi naman nakaimik si Pacquiao na kasalukuyang hawak ang resolusyon.

“Kasi ikaw (Pacman) dinala mo kay Sotto ang mga kapartido mo sabi mo maggu-good time lang kayo pero pinag-express mo ng support,” dugtong pa ni Villar.

Kinuwestyon din ng lady senator ang resolus­yon at iginiit na hindi siya pipirma rito.

“Bakit ako pipirma diyan? Kung ipahamak n’yo ang aking kapartido? Ako nakapirma diyan. Hihintayin ko na maayos si Pia (Cayetano) at Imee (Marcos). ‘Di ba tama ‘yun?” dagdag pa nito.

Binanggit pa ng source na sinadya nilang ilako sa resolusyon upang mabuking ang plano ni Villar.

Samantala, 13 senador na ang pumirma sa re­solusyon na nagpapakita ng suporta kay Sotto at inihain ito ni Pacquiao sa plenaryo.

Kabilang sa mga lumagda sina Pacquiao, Se­nate President Pro Tempore Ralph Recto, Majo­rity Leade­r Juan Miguel Zubiri, Senador Panfilo Lacson, Joel Villanueva, Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Grace Poe, Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, outgoing Senators Gringo Honasan, Francis ‘Chiz’ Escudero at Loren Legarda.

“A total of 13 senators pero may mga ilang senators pa, Mr. President, na wala dito na support din sila sa leadership niyo, Mr. President,” dagdag ni Pacquiao.

Samantala, matapos ipahayag ng NP at 28 mi­yembro ng National Unity Party (NUP) ang kanilang suporta sa kandidatura ni Cayetano, nakikipagnegosasyon naman ang huli sa kampo ni dating House Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez para magsanib ng puwersa.

Si Alvarez ng PDP-Laban ay matatandaang pinatalsik ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte noong Hulyo 2018 at hayagan na kumokontra ngayon sa Speakership bid ng una. (Dang Samson-Garcia)

The post Villar, Cayetano balak kontrolin kongreso appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *