Villanueva: Masahol pa sa endo ang ginagawa sa mga health worker

Kinastigo ni Senador Joel Villanueva ang Department of Health (DOH) kaugnay ng hindi magandang employment term na ibinigay ng mga ito sa mga health worker na aniya’y masama pa sa “endo” sa gitna ng laban kontra coronavirus o COVID-19.

The post Villanueva: Masahol pa sa endo ang ginagawa sa mga health worker first appeared on Abante.

villanueva masahol pa sa endo ang ginagawa sa mga health worker - Villanueva: Masahol pa sa endo ang ginagawa sa mga health worker
health - Villanueva: Masahol pa sa endo ang ginagawa sa mga health worker

Kinastigo ni Senador Joel Villanueva ang Department of Health (DOH) kaugnay ng hindi magandang employment term na ibinigay ng mga ito sa mga health worker na aniya’y masama pa sa “endo” sa gitna ng laban kontra coronavirus o COVID-19.

Ayon kay Villanueva, chairman ng Senate labor committee, noon pa niya sinulatan ang DOH para ayusin naman ang termino ng pagkuha sa mga health worker para matiyak na ang suweldo at benepisyo nila ay katumbas sa peligrong kanilang kinakaharap sa pagharap sa naturang sakit.

“Masahol pa po sa endo ang ginagawa ng DOH sa ating mga healthcare heroes,” pahayag ni Villanueva, patungkol sa anim na buwan na kontrata ng kinuhang mga health worker.

Bukod sa mababang suweldo, ani Villanueva, tatlo hanggang anim na buwan lamang ang ang kanilang kontrata at walang kasiguruhan sa trabaho. Wala rin silang sapat na benepisyo at proteksyon lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Hindi po makatarungan ito para sa ating mga healthcare workers na nagbubuwis ng kanilang buhay upang mangalaga sa mga may sakit, lalo na ang mga COVID-19 patients. Let’s give what is due to our health workers,” sabi pa ng senador.

Muling iginiit ni Villanueva na dapat mag-alok ang DOH ng mas magandang contract term tulad ng pag-extend sa isang taon katulad ng paglagay ng Pangulo sa bansa sa state of calamity dahil sa pandemya hanggang Setyembre 2021. (Dindo Matining)

The post Villanueva: Masahol pa sa endo ang ginagawa sa mga health worker first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *