‘Viagra’ sa kababaihan aprubado ng US FDA

INAPRUBAHAN ng US Food and Drug Administration ang drogang ginawa ng Palatin Technologies Inc. at Amag Pharmaceuticals Inc. na naglalayong ibalik ang libido o init sa sex ng kababaihang nasa stage ng premenopausal.

The post ‘Viagra’ sa kababaihan aprubado ng US FDA appeared first on Abante News Online.

viagra sa kababaihan aprubado ng us fda - ‘Viagra’ sa kababaihan aprubado ng US FDA
viagra - ‘Viagra’ sa kababaihan aprubado ng US FDA

INAPRUBAHAN ng US Food and Drug Administration ang drogang ginawa ng Palatin Technologies Inc. at Amag Pharmaceuticals Inc. na naglalayong ibalik ang libido o init sa sex ng kababaihang nasa stage ng premenopausal.

Ang gamot na ‘Vyleesi’ ay itinuturing na Viagra para sa kababaihan.

May generic name itong bremelanotide at pinapagana ang utak na konektado sa sexual desire at pagkilos upang matulungan ang mga premenopausal women na nakararanas ng hypoactive sexual desire disorder (HSDD).

Noong 2015, ina­prubahan din ng USFDA ang Addyi ng Sprout Pharmaceutical pero ang pill na iniinom bawat araw ay may kaakibat na babala laban sa pag-inom at may kaunting side effect.

Ang Vyleesi ay itinuturok sa tiyan o hita gamit ang auto-injector, 45 minuto bago ang sexual activity.

Nirekomenda naman ng FDA na isang beses lang itong gagamitin sa loob ng 24 oras at 8 beses lang sa loob ng isang buwan.

The post ‘Viagra’ sa kababaihan aprubado ng US FDA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *