Velasco wawalisin mga bata ni Cayetano

Oras na para si House Speaker Lord Allan Jay Velasco naman ang bumali sa dati nilang kasunduan ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano sa term sharing na walang gagalawin sa pamunuan ng mga komite.

The post Velasco wawalisin mga bata ni Cayetano first appeared on Abante.

velasco wawalisin mga bata ni cayetano - Velasco wawalisin mga bata ni Cayetano
lord 1 - Velasco wawalisin mga bata ni Cayetano

Oras na para si House Speaker Lord Allan Jay Velasco naman ang bumali sa dati nilang kasunduan ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano sa term sharing na walang gagalawin sa pamunuan ng mga komite.

Ito’y matapos ideklara ni Velasco na gagamitin nila ng mga lider sa Kamara ang isang buwang bakasyon para silipin ang committee membership.

Giit ni Velasco, hihimayin nila ang membership ng bawat komite at agad itong kikilusan pag nakita nilang may mga kongresista na lamang ang posisyon kumpara sa iba.

“We will still check the committee memberships kasi sometimes we see na mayroong parang mas maraming nakukuhang positions na medyo hindi naman fair sa iba,” ani Velasco.

Dagdag niya, wala namang dapat ikaalarma ang mga miyembro ng Kamara dahil magiging pantay naman ang kanyang trato sa lahat.

“If I see there’s ano parang unfair doon sa ibang mga members , yong isa sobrang dami ang nakukuha, then I’ll see whether we can adjust that pero kung wala naman, I won’t change any positions,” pagtitiyak pa nito.

Nauna nang inalis ni Velasco si Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, na kilalang kaalyado ni Cayetano, bilang deputy speaker.

Ipinalit niya si 1-PACMAN party-list Rep. Mikee Romero, na dati ng deputy speaker pero nasibak din sa kanyang posisyon sa kasagsagan ng gusot nina Velasco at Cayetano sa speakership.(Mia Billones)

The post Velasco wawalisin mga bata ni Cayetano first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *