Velasco, kampon mas atat sa eleksyon kaysa bakuna

Atat na umano si House Speaker Lord Allan Velasco sa 2022 elections kaysa sa bakuna kontra COVID 19.

The post Velasco, kampon mas atat sa eleksyon kaysa bakuna first appeared on Abante.

velasco kampon mas atat sa eleksyon kaysa bakuna - Velasco, kampon mas atat sa eleksyon kaysa bakuna
abante velasco 10 - Velasco, kampon mas atat sa eleksyon kaysa bakuna

Atat na umano si House Speaker Lord Allan Velasco sa 2022 elections kaysa sa bakuna kontra COVID 19.

Ito´y ayon kay dating Speaker Alan Peter Cayetano matapos akusahan nito si Velasco na ginagamit umano nito at mga kaalyado ang P4.5-trillion national budget para sa kanilang pansariling kapakinabangan imbes na ang bakuna laban COVID-19 ang dapat na unahin.

“Parang yung mga nakapaligid sa leadership ngayon sa House parang may 2022 na pinag-uusapan eh. Vaccine muna, even sa budget ng 2021,” ayon kay Cayetano.

Ayon kay Cayetano, sa halip na dapat pag- uusapan at bigyan ng prayoridad ang bakuna , ang nasasagap niyang balita ay puro eleksiyon ang pinag uusapan umano ng liderato ni Velasco.

“I haven’t seen all the final pero balita ko panay para sa eleksyon hindi para sa vaccination,” dagdag ni Cayetano.

Magugunitang naglaan ng tinatayang P72.5 bilyon sa proposed 2021 national budget para sa pagbili, storage at distribution ng COVID-19 vaccines.

Ngunit ang P70 bilyon dito ay inilagay bilang ‘unprogrammed funds’ na nangangahulugan na walang kasiguruhang mapondohan liban kung may sobra lamang sa revenue targets.

Una na ring isiniwalat ni Senator Panfilo Lacson na mahigit P28 bilyon ay inalis mula sa budget ng iba’t ibang government agencies at inilaan naman umano bilang ‘pork barrel funds’ ng mga mambabatas na malapit kay Velasco. (Eralyn Prado)

The post Velasco, kampon mas atat sa eleksyon kaysa bakuna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *