Velasco ipaglaban term-sharing – Pulong

Dahil kapwa niya mabuting kaibigan, minabuti ni presidential son at Deputy Speaker Paolo Duterte na huwag nang maglabas ng pahayag sa giraan ngayon nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

The post Velasco ipaglaban term-sharing – Pulong first appeared on Abante.

velasco ipaglaban term sharing pulong - Velasco ipaglaban term-sharing – Pulong
lord and pulong - Velasco ipaglaban term-sharing – Pulong

Dahil kapwa niya mabuting kaibigan, minabuti ni presidential son at Deputy Speaker Paolo Duterte na huwag nang maglabas ng pahayag sa giraan ngayon nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Sa kanyang statement, sinabi nitong mahalaga sa kanya ang nabuo niyang pagkakaibigan sa 18th Congress at higit sa lahat dalawa at wala siyang ibang hangad kundi ang isang solido at nagkakaisang Kamara.

“For a year and a half, I have formed many friendships in the 18th Congress. Of these, two of those that I treasure most are those with Speaker Alan Cayetano and Congressman Lord Velasco,” ayon kay Duterte.

Gayunpaman, dahil umano sa isyu ng term sharing ay nagkakahati-hati ang kapulungan at ito’y labis niya umanong ikinalungkot dahil makakapekto umano ito kanilang paghahatid serbisyo sa taongbayan.

Ayon pa sa solon kinikilala niya ang umiiral na term sharing deal at naniniwala itong may karapatan umano si Velasco na ipaglaban ito ngunit napatunayan naman na suportado si Cayetano ng mayoryang kongresista.

“It can’t be denied that such a term-sharing agreement was made before. Because of this, Congressman Velasco has the right to assert his claim to the Speakership.However, we have also seen that a considerable number of our colleagues still support Speaker Cayetano,” ayon kay Duterte.

Dahil hangad niya umano ang isang nagkakaisang Kamara ay ipinasya niyang huwag nang maglabas ng pahayag na maaring makadagdag pa sa tensiyon at sisira sa pagkakaibigan nila nina Cayetano at Velasco na pawang iginiggiit ang kanilang karapAtang maging speaker.

Anuman umano ang maging resulta ng power struggle sa Kamara ang apela niya sa mga kasamahan ay panatilihin ang respeto sa isat isa at suportahan ang sinumang magiging pinuno ng Kapulungan.

“At the end of this episode, I hope we can go beyond politics and remember that more than power, it is the relationships we’ve formed in these halls of Congress and our duties to the people, that matter most,” dagdag ni Duterte.

Kung matatandaan, nitong Martes, ay tinapos na ng Kamara ang deliberasyon ng panukalang 2021 national budget at inaprubahan sa ikalawang pagbasa base na rin sa inihaing mosyon ni Cayetano.

Matapos aprubahan, sinusnpendi na rin ang sesyon hanggang sa Nobyembre 16 dahilan upang wala nang pagkakataon upang maisaktuparan ang term sharing deal na itinakda sa Oktubre 14. (Eralyn Prado)

The post Velasco ipaglaban term-sharing – Pulong first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *