Vatican residence ni Pope Francis pinasok ng virus

Nagpositibo sa coronavirus disease ang isang lalaki na nakatira sa Vatican residence ni Pope Francis, ayon sa press office ng Santo Papa.

The post Vatican residence ni Pope Francis pinasok ng virus first appeared on Abante.

vatican residence ni pope francis pinasok ng virus - Vatican residence ni Pope Francis pinasok ng virus
vatican - Vatican residence ni Pope Francis pinasok ng virus

Nagpositibo sa coronavirus disease ang isang lalaki na nakatira sa Vatican residence ni Pope Francis, ayon sa press office ng Santo Papa.

Ayon sa ulat, pansamantala nang umalis sa Casa Santa Marta ang nasabing indibidwal. Maging ang mga nakasalamuha nito ay sinailalim na sa isolation.

Sa pahayag pa ng Vatican, pinaalam rin na lahat ng mga residente ng Casa Santa Marta ay patuloy na binabantayan, kabilang din ang Santo Papa na regular na tini-test para sa COVID-19.

Magugunitang noong nakaraang linggo, apat na miyembro ng Swiss Guard na nagbabantay kay Pope Francis ang na-test na positibo sa virus. (Issa Santiago)

The post Vatican residence ni Pope Francis pinasok ng virus first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *