Van, truck salpukan sa Leyte: 9 patay, 12 sugatan

accident11

SIYAM ang patay habang 12 iba pa ang sugatan kung saan ilan sa mga ito ay nasa kritikal na kondisyon matapos ang naganap na salpukan ng van at isang six-wheeler truck kahapon nang umaga sa Sitio Tab-ang, bayan ng Babatngon sa lalawigan ng Leyte.

The post Van, truck salpukan sa Leyte: 9 patay, 12 sugatan appeared first on Abante News Online.

van truck salpukan sa leyte 9 patay 12 sugatan - Van, truck salpukan sa Leyte: 9 patay, 12 sugatan
accident11 - Van, truck salpukan sa Leyte: 9 patay, 12 sugatan

SIYAM ang patay habang 12 iba pa ang sugatan kung saan ilan sa mga ito ay nasa kritikal na kondisyon matapos ang naganap na salpukan ng van at isang six-wheeler truck kahapon nang umaga sa Sitio Tab-ang, bayan ng Babatngon sa lalawigan ng Leyte.

Sa ulat na ipinadala ni Police Lt. Col. Maria Delia Rentuya, ta­gapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 8, walo sa 19 na sakay ng van ay idineklarang dead on-the-spot habang 13 pa ang su­gatan kasama ang drayber ng 6-whee­ler truck at pahinante nito kunsaan isa pa sa su­gatan ang nasawi.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:14 nang umaga sa kahabaan ng natio­nal highway sakop ng Sitio Tab-ang ng nasabing bayan.

Napag-alaman na galing sa sentro ng ba­yan ng Babatngon ang van na minamaneho ni Rodel Ecat, nasa hustong gulang at mayroong 18 pasahero patungo ng Tacloban habang ang kasalubong na 6-wheeler truck na may plakang LEF-758 at puno ng kargang buhay na baboy ay minamaneho ni Wenwen De Leon at patungo sana sa ba­yan ng Babatngon.

Nabatid na parehong mabilis na tinatahak ng dalawang sasakyan ang lugar at pagsapit sa nabatid na sitio ay nag-head on collision ang dalawang sasakyan.

Sa lakas ng banggaan ay parang pini­ping lata ang van habang tumaob naman ang trak na puno ng baboy.

Agad dinala sa Eas­tern Visayas Medical Center sa Tacloban ang 12 iba pa kung saan ilan sa mga ito ay nasa malubhang kalagayan dahil sa tinamong mga pinsala sa ulo at katawan gayundin ang 2 sakay ng trak.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente. (Edwin ­Balasa)

The post Van, truck salpukan sa Leyte: 9 patay, 12 sugatan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *