Van bumulusok sa palayan: 1 dedbol, 7 sugatan

Nasawi ang isang security guard habang pitong iba pa ang sugatan matapos mahulog sa limang talampakang lalim ng palayan ang sinasakyan nitong van kahapon nang madaling-araw sa Zamboanga City.

The post Van bumulusok sa palayan: 1 dedbol, 7 sugatan appeared first on Abante News Online.

van bumulusok sa palayan 1 dedbol 7 sugatan - Van bumulusok sa palayan: 1 dedbol, 7 sugatan
DEAD BODY1 - Van bumulusok sa palayan: 1 dedbol, 7 sugatan

Nasawi ang isang security guard habang pitong iba pa ang sugatan matapos mahulog sa limang talampakang lalim ng palayan ang sinasakyan nitong van kahapon nang madaling-araw sa Zamboanga City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jose Sonny Veleriano Falmesa, habang ang iba pang biktima ay sina Samsudin Utoh, 57-anyos, Abdul Bacit, 57, Leo Jay Emanuel, 24, Arsarit Handang, 18, Shena Discar, 27, Lanie Laurente, 47, at Roderico Solis, 60, na nagtamo ng mga sugat at pasa katawan.

Nakakulong naman ang driver ng naaksidenteng van na si Muamar Jalani, 40, at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso dahil sa insidente.

Naganap ang insidente alas-2:55 nang madaling-araw sa MCLL Highway, Brgy. Culianan ng nasabing lungsod.

Tinatahak ng kulay puting van na may plakang AMA-4775 ang kalsada na minamaneho ng suspek at patungo sana ng Zamboanga City proper ng subalit pagsapit sa palikong bahagi ng kalsada ay nawalan ng kontrol ang drayber ng van at dahil sa madulas ang kalsada dulot ng pag-ulan ay nagtuloy-tuloy ito sa bukid na may lalim na limang talampakan. (Edwin Balasa)

The post Van bumulusok sa palayan: 1 dedbol, 7 sugatan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *