Van bumangga sa puno: 18 sugatan

2 bombero, 1 pulis todas sa salpukan ng bus at AUV sa Quezon

SUGATAN ang 18 katao kabilang ang tatlong menor de edad matapos bumangga ang kanilang sinasakyang van sa isang puno sa Brgy. Mi-nganga Sur, Iguig, Cagayan noong Linggo.

The post Van bumangga sa puno: 18 sugatan appeared first on Abante News Online.

van bumangga sa puno 18 sugatan - Van bumangga sa puno: 18 sugatan
accident 2 - Van bumangga sa puno: 18 sugatan

SUGATAN ang 18 katao kabilang ang tatlong menor de edad matapos bumangga ang kanilang sinasakyang van sa isang puno sa Brgy. Mi-nganga Sur, Iguig, Cagayan noong Linggo.

Ayon kay Iluig Police Station (IPS) investigator P/Staff Sgt. Walter Lacambra, batay sa salaylay ng nakakita sa aksidente, pagewang-gewang umano ang van bago sinuwag ang puno.

Sinabi ni Lacambra, dahil sa impact, nagkarambola ang mga pasahero sa loob ng van kasama ang driver na si Job Oro, na ngayon ay nasa kustodiya ng IPS traffic bureau.

Ayon sa report, galing umano ang van sa bayan sa Sta Ana sa nasabing lalawigan at papunta ito sa Tuguega-rao City.

Sinabi ni Lacambra na una umanong sumuko ang driver sa Amulung Police Station (APS) sa Cagayan ngunit inilipat din ito sa IPS.

Nilalapatan na ng lunas ang mga sugatang pasahero sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) habang patuloy na inaalan ang sanhi ng aksidente. (Allan Bergonia)

The post Van bumangga sa puno: 18 sugatan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *