Utol ni ex-Ozamiz Mayor Parojinog tigok sa selda

Wala nang buhay nang makita sa loob ng kanyang detention cell si dating Ozamiz City Councilor Ricardo ‘Ardot’ Parojinog kahapon ng umaga.

The post Utol ni ex-Ozamiz Mayor Parojinog tigok sa selda first appeared on Abante.

utol ni ex ozamiz mayor parojinog tigok sa selda - Utol ni ex-Ozamiz Mayor Parojinog tigok sa selda
abante Parojinog - Utol ni ex-Ozamiz Mayor Parojinog tigok sa selda

Wala nang buhay nang makita sa loob ng kanyang detention cell si dating Ozamiz City Councilor Ricardo ‘Ardot’ Parojinog kahapon ng umaga.

Agad na pinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief General Camilo Cascolan ang masusing imbestigasyon sa pagkamatay ng dating konsehal.

Sa ulat na ipinadala sa mga reporter ni Police Brig. General Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, alas-sais ng umaga nang matagpuang patay si Parojinog sa Ozamiz Police Station kung saan mag-isa lang siya sa kanyang selda.

Nakatakda sanang dumalo si Parojinog sa hearing sa Ozamiz City Court.

Dahil dito, inilagay sa restrictive custody ang hepe ng Ozamiz City Police Station at lahat ng mga panggabing duty personnel nang maganap ang insidente para sa gagawing imbestigasyon.

Bukod doon, pinag-utos din ni Cascolan na imbestigahan ang PNP Custodial Center Security Team na pinamumunuan ni Police Lt. Col. Jiger Noceda.

Samantala, isasailalim sa swab test ang bangkay ni Parojinog upang mabatid kung coronavirus disease ang kinamatay niya.

Ayon kay Police Regional Office 10 Director Brig. General Rolando Anduyan, base sa resulta ng imbestigasyon ng SOCO, walang anumang sugat o tanda ng pananaksak o pagbibigti sa katawan si Parojinog.

Si Ardot Parojinog ay kapatid ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., na napatay sa engkuwentro sa mga pulis na magsisilbi sana ng warrant of arrest laban sa kanya sa kasong may kaugnayan sa droga noong Hulyo 2017.

Mayo 2018 nang maaresto si Ardot sa Taiwan, dalawang araw matapos salakayin ng pulisya ang kanyang tanggapan sa Ozamiz City at nakuhanan ng malalakas na uri ng baril at iligal na droga. Agad siyang ibinalik sa Pilipinas. (Edwin Balasa)

The post Utol ni ex-Ozamiz Mayor Parojinog tigok sa selda first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *