Utang tinakbuhan ni congressman

Marami na ang nagdadalawang-isip kundi man tatlong-isip sa pakikipag-transaksyon sa isang bagitong miyembro ng Lower House dahil sa hilig nitong mangutang subalit hindi naman nagbabayad.

utang tinakbuhan ni congressman - Utang tinakbuhan ni congressman
kartada11 2 - Utang tinakbuhan ni congressman

Marami na ang nagdadalawang-isip kundi man tatlong-isip sa pakikipag-transaksyon sa isang bagitong miyembro ng Lower House dahil sa hilig nitong mangutang subalit hindi naman nagbabayad.

Hindi lang kasi isa, kundi maraming beses nang hindi nagbabayad ng maayos itong si congressman sa mga ipinapagawa nitong trabaho.

Sa nakalap na impormasyon ni Mang Teban, magbibigay ng downpayment si kumag pero ang kapupunan ay inuutang.

Mabuti sana kung babayaran kalaunan ang utang, pero madalas daw na tinatakbuhan lang ito ni cong.

Malakas daw ang loob ng mambabatas dahil verbal lang ang kasunduan sa proyekto at walang kasulatan.

Eh kahit naman kasi magkaroon ng kasulatan, sakop pa rin ng kanyang immunity ang hindi pagbabayad ng utang.

Pintahan nyo na. Ang kongresistang tinatakbuhan ang utang ay mula sa Luzon at may letrang S sa kanyang pangalan as in Sapak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *