Utang ng ‘Pinas umakyat na sa ₱7.8T

MULI na namang nangutang ang administrasyong Duterte sa mga dayuhan ngayong buwan sa kabila ng pag-akyat ng utang ng pamahalaan sa P7.8 trilyon.

The post Utang ng ‘Pinas umakyat na sa ₱7.8T appeared first on Abante News Online.

utang ng pinas umakyat na sa e282b17 8t - Utang ng ‘Pinas umakyat na sa ₱7.8T
PH - Utang ng ‘Pinas umakyat na sa ₱7.8T

MULI na namang nangutang ang administrasyong Duterte sa mga dayuhan ngayong buwan sa kabila ng pag-akyat ng utang ng pamahalaan sa P7.8 trilyon.

Ayon sa Bureau of the Treasury, nangutang ng 750 milyong Euro ang administrasyong Duterte sa pamamagitan ng pag-isyu ng global bonds at kaila­ngang itong bayaran matapos ng walong taon.

Kakabalita lang ng BTr na umakyat na sa P7.8 trilyon ang utang nga pamahalaan. Nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang, nasa P5.95 trilyon lamang ang utang ng Pilipinas. Sa halos tatlong taon niya sa posisyon, halos mahigit P2.7 trilyon na ang nadagdag sa utang ng bansa at mahigit 30% na ng mga utang ay sa kanyang poder kinuha.

Isinulong ng administrasyong Duterte at mga kaalyado nito ang TRAIN law na nagpataas ng buwis sa mga bilihin kaya nagmahalan ang mga ito nu’ng nakaraang taon. Lumaki man ang koleksyon ng pamahalaan ng buwis dahil sa TRAIN, mas malaki naman ang ginagastos nito.

Dahil hindi sapat ang nakokolektang mga buwis at dahil sa higit na mas ma­laki ang ginagastos ng administrasyong Duterte, higit na lumaki ang utang ng Pilipinas. (Eileen Mencias)

The post Utang ng ‘Pinas umakyat na sa ₱7.8T appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *