Utang ng Pinas mababayaran

Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na pansamantala lang ang pag-utang ng Pilipinas at mababayaran ito sa oras na mawala ang COVID-19 at bumalik na ang sigla ng ekonomiya ng bansa .

The post Utang ng Pinas mababayaran first appeared on Abante.

utang ng pinas mababayaran - Utang ng Pinas mababayaran
Win - Utang ng Pinas mababayaran

Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na pansamantala lang ang pag-utang ng Pilipinas at mababayaran ito sa oras na mawala ang COVID-19 at bumalik na ang sigla ng ekonomiya ng bansa .

“Itong pag-utang nating temporary lang ‘yan at mababayaran natin next year,” pahayag ni Gatchalian sa panayam sa radyo noong Sabado.

Ayon kay Gatchalian, ang pagdagdag ng utang ng gobyerno ay hindi lang nangyayari sa Pilipinas kundi sa buong mundo kung aan maraming bansa ang naapektuhan ang ekonomioya dahil sa COVID outbreak .

“Just to be fair, ako minomonitor ko itong pag- utang natin at pagresponde sa ekonomiya natin, sa stimulus natin at yung ganitong pag-utang ay nangyayari sa buong mundo. Ang importante dito, dalawang bagay, meron ka bang kapasidad mangutang? Pangalawa, kaya mo ba bayaran yung utang mo?” ani Gatchalian.

“Ang kagandahan sa atin, over the last 30 years especially after the crisis, naging matibay ang ekonomiya natin at bumaba yung ating utang,” dagdag pa nito.

Nauna nang ibinunyag ni Bureau of Treasury na umabot na ang utang ng gobyerno sa P9.164 trilyong nitong Hulyo ng taong ito.

Sa pagtataya ng mga economic manager, aabot ang utang sa P10 trilyong sa 2020 at aakyat ito sa P11.982 sa 2021. (Dindo Matining)

The post Utang ng Pinas mababayaran first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *