Utang ng PH sumirit sa P11.3 trilyon

Aabot sa P11.3 trilyon ang utang ng pamahalaan sa katapusan ng administrasyong Duterte, halos doble ng minana nitong utang sa naunang administrasyon na nasa P5.9 trilyon lamang nung katapusan ng June 2016.

The post Utang ng PH sumirit sa P11.3 trilyon first appeared on Abante.

utang ng ph sumirit sa p11 3 trilyon - Utang ng PH sumirit sa P11.3 trilyon
ph 1 - Utang ng PH sumirit sa P11.3 trilyon

Aabot sa P11.3 trilyon ang utang ng pamahalaan sa katapusan ng administrasyong Duterte, halos doble ng minana nitong utang sa naunang administrasyon na nasa P5.9 trilyon lamang nung katapusan ng June 2016.

Ayon sa IBON Foundation, P11.2 trilyon na rin ang kabuuang mauutang ng administrasyong Duterte hanggang sa katapusan ng termino nito, katumbas nito ang lahat ng inutang ng mga naunang administrasyon simula ng panahon ni Cory Aquino.

Binatikos ng IBON Foundation ang sunod-sunod na pangungutang ng administrasyong Duterte para sa mga tulay at tren imbis na gastusin ito sa pangangailangan ng mga Pilipino para sa kalusugan, pagkain at kabuhayan.

Sa unang 10 buwan ng taon ay nasa P3.2 trilyon sa unang 10 buwan ng taon kung saan P1.2 trilyon ay pinambayad sa interes at iba pang mga pautang.

Sabi ng IBON, P486.1 bilyon pa lamang ang ginastos ng administrasyong Duterte para sa COVID-19 response samantalang P786 bilyon na ang ginastos nito sa infrastructure.

Anila, wala ring magandang pagbabagong nakikita sa 2021 kung saan P3 trilyon muli ang uutangin at P1.8 trilyon na ang gagastusin para sa debt servicing.

Kung hahatiin sa bawat Pilipino ang P10 trilyong utang, sanggol man o matanda, P92,190 na ang utang ng bawat isa o katumbas ng higit pa sa limang buwang sahod. (Eileen Mencias)

The post Utang ng PH sumirit sa P11.3 trilyon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *