UST grad topnotcher sa 2 licensure exam

PINAKYAW ng magna cum laude ng University of Sto. Tomas (UST)ang dalawang licensure examination na ibinigay ng Professio­nal Regulation Commission (PRC) matapos itong mag-Top 1.

ust grad topnotcher sa 2 licensure exam - UST grad topnotcher sa 2 licensure exam
ABANTE UST - UST grad topnotcher sa 2 licensure exam

PINAKYAW ng magna cum laude ng University of Sto. Tomas (UST)ang dalawang licensure examination na ibinigay ng Professio­nal Regulation Commission (PRC) matapos itong mag-Top 1.

Nabatid na na­nguna ang UST magna cum laude na si Neil Kenneth Tamina Mendoza sa licensure examinations sa mga Electronics Engineer at Electronics Technician nitong buwan ng Oktubre ng PRC.

Nabatid na si Mendoza ay nanguna sa may 2,460 board pas­ser sa Electro­nics Engineer Licensure Exa­mination at nanguna rin sa may 2,589 board pas­ser ng Electronics Technician Licensure Examination na ibinigay ng Board of Electronics Enginee­ring sa Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, at Lucena nga­yong buwan.

Nakuha ni Mendoza sa Electronics Engineer exam ang gradong 92%, at 94% naman sa Electronics Technician exam.

Si Mendoza ay nagtapos bilang magna cum laude sa degree in Electronics Enginee­ring, Class of 2019.

Habang ang University of the Phi­lippines-Diliman ang may pinakamaraming pumasa kung saan nakakuha ng 97.3% passing rate sa Electronics Engineer Licensure Examination.

Nabatid din na nakapuwesto sa panga­lawa ang Holy Angel University at pangatlo ay ang UST na may 80% passing rate.

Samantala, ang Mapua University-Manila naman ang nag- top na may 96.99% passing rate sa Electronics Technician Licensure Examination.

Pumangalawa ang UST na may passing rate na 92.55 at pa­ngatlo ang University of the Philippines na may 90% passing rate. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *