US senator sa PH: Palayain si De Lima

ISANG senador mula sa Estados Unidos ang nanawagan para sa pagpapalaya kay Senador­ Leila de Lima.

us senator sa ph palayain si de lima - US senator sa PH: Palayain si De Lima
Abante Leila de Lima 1 - US senator sa PH: Palayain si De Lima

ISANG senador mula sa Estados Unidos ang nanawagan para sa pagpapalaya kay Senador­ Leila de Lima.

Sa tweet nitong Setyembre 21, binanggit ni US Republican Sen. Marco Rubio na kinulong si de Lima dahil sa umano’y ‘bogus charges.’

“Philippine Senator Leila de Lima, a critic of extrajudicial killings under Duterte’s so-called ‘war on drugs’, has spent the last two years in prison on bogus charges. I call on the Philippine government to unconditionally release her ‘FreeLeilaNow #ExpressionNOTOppression,” ayon sa tweet.

Noong Abril, isa si Rubio sa limang Amerikanong senador na nanawagan sa paglaya ni De Lima.

Nakakulong si De Lima sa Custodial Center­ ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame dahil sa kasong droga.

“We don’t respond to nonsense,” sagot naman ni Presidential Spokesperson Salvador­ Panelo sa naturang panawagan.

(Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *