US Secret Service sapol ng COVID

Marami na umano sa mga tauhan ng Secret Service ng United States ang nagpositibo sa COVID-19, habang ilang dosena pa sa mga tauhan nito ang sinailalim sa quarantine.

The post US Secret Service sapol ng COVID first appeared on Abante.

us secret service sapol ng covid - US Secret Service sapol ng COVID
Covid 1 - US Secret Service sapol ng COVID

Marami na umano sa mga tauhan ng Secret Service ng United States ang nagpositibo sa COVID-19, habang ilang dosena pa sa mga tauhan nito ang sinailalim sa quarantine.

Lumabas sa mga internasyonal na ulat na ito na ang ikaapat na beses na nagka-outbreak sa ahensya simula nang magsimula ang pandemya, na nakaapekto sa kanilang bilang ng kanilang tauhan na nagbibigay ng proteksyon kay incumbent President Donald Trump at ngayo’y nadagdagan pa dahil sa pagkapanalo ni Joe Biden sa presidential election.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang ahensya sa kung paano nahawa ang mga tauhan nito, na ang iba ay bumiyahe kasama sa pangangampanya nina Trump o Biden sa naganap na eleksyon.

Matatandaan nilang matataas na opisyal ng White House, kaalyado ni Trump at mismong siya ay nahawa ng COVID-19.

Ang nasabing US agency ang nagbibigay proteksyon sa presidente, bise presidente at kanilang mga pamilya.

The post US Secret Service sapol ng COVID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *