US nanguna sa COVID death

Nasa 993,019 na ang mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo, ayon sa tala ng John Hopkins Coronavirus Resources Center.

The post US nanguna sa COVID death first appeared on Abante.

us nanguna sa covid death - US nanguna sa COVID death
abante death rate - US nanguna sa COVID death

Nasa 993,019 na ang mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo, ayon sa tala ng John Hopkins Coronavirus Resources Center.

Sa bilang na ito, 204,490 ang mula sa Estados Unidos na pinakamaraming naitalang nasawi sa buong mundo simula nang magsimula ang pandemya. Sinundan ito ng Brazil na may 141,406 death.

Pangatlo sa may pinakamaraming naitalang nasawi ay ang India na may 93,379, habang sa 76,243 naman sa Mexico.

Batay pa sa tala, umabot na sa 32,751,412 ang kabuoang tinamaan ng COVID-19 sa 188 bansa at rehiyon, habang nasa higit 24 milyon ang gumaling na sa sakit.

Una nang sinabi ng World Heath Organization na posibleng umabot sa 2 milyon ang masasawi dahil sa pandemya kung hindi magsasagawa ng mahigpit na hakbang upang labanan ito.

The post US nanguna sa COVID death first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *