US may libreng 4-year cadet program sa mga Pinoy

NAGBUKAS ng oportunidad ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa mga Pilipinong interesadong sumailalim sa apat na taong International Cadet Program sa Amerika.

us may libreng 4 year cadet program sa mga pinoy - US may libreng 4-year cadet program sa mga Pinoy
PCG - US may libreng 4-year cadet program sa mga Pinoy

NAGBUKAS ng oportunidad ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa mga Pilipinong interesadong sumailalim sa apat na taong International Cadet Program sa Amerika.

Kaugnay ito ng imbitasyon ng United States Coast Guard Academy (USCGA) sa PCG na humanap ng kandidato na gustong sumabak sa programa na magsisimula sa Hun­yo 2020 hanggang 2024 sa New London, Connecticut, USA.

Bukas ang prog­rama sa sinumang kuwalipikadong sibil­yan.

Batay sa anunsiyo ng PCG sa kanilang official Facebook page, ang four-year prog­ram ay may intensive undergraduate curriculum na daan para naman sa isang Bachelor of Science degree na may siyam na major gaya ng Civil Engineering, Cyber Systems, Electrical Engineering, Naval Architecture and Marine Engineering, Ope­rations Research and Computer Analysis, Marine and Environmental Sciences, Government, Mecha­nical Engineering and Management.

Ang mga makakapasang aplikante ay ma-a-admit bilang regular na kadete sa USCGA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *