US COVID case tuloy pagsirit kahit may bakuna

NEW YORK – Pumalo sa 10,000 katao sa Estados Unidos ang nasawi dahil sa COVID-19, tatlong araw bago maghiwalay ang taon, habang nasa 20 milyong positibo sa virus ang naitala batay sa datos ng John Hopkins University.

The post US COVID case tuloy pagsirit kahit may bakuna first appeared on Abante.

us covid case tuloy pagsirit kahit may bakuna - US COVID case tuloy pagsirit kahit may bakuna
abante us - US COVID case tuloy pagsirit kahit may bakuna

NEW YORK – Pumalo sa 10,000 katao sa Estados Unidos ang nasawi dahil sa COVID-19, tatlong araw bago maghiwalay ang taon, habang nasa 20 milyong positibo sa virus ang naitala batay sa datos ng John Hopkins University.

Naitala na rin sa Colorado, California at Florida ang highly contiguous COVID-19 variant na unang natuklasan sa United Kingdom.

Bagama’t nagbibigay na ng bakuna tuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay at nahahawa ng coronavirus.

Sa California puno na ang mga hospital bed kaya ang ilan ay nagpapagaling na lang sa kani-kanilang mga bahay na masusi namang mino-monitor ng health officials doon.

Sa New York City tumaas ng 10 percent ang positivity rate kaya nagbabanta ang panibagong lockdown para makontrol ang paglobo ng mga nagkakasakit.

Ayon sa US Health Department, posibleng abutin pa ng tatlong buwan bago maramdaman ang epekto ng mga bakuna ng Pfizer at Moderna.

Sa ngayon pumalo na sa 350,000 katao ang namatay sa Amerika kabilang na dito ang ilang Pinoy.

Ayon kay Dr. Anthony Fauci, Director ng US National Institute of Allergy and Infectious Diseases, asahan na umano ang pagtaas ng bilang ng mga magkakasakit dahil sa virus dahil sa kaliwa’t kanang party nitong holiday. (Dave Llavanes Jr.)

The post US COVID case tuloy pagsirit kahit may bakuna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *